Wednesday, April 7, 2010

Discussion #5: PUP Tuition Fee Increase

Note: No more posting of comments.
Thank you.


Prof. Winnie Monsod on PUP Tuition Fee Increase

Check out this video on the tuition fee increase. After watching it how do you stand on the issue? Try to convince someone who also watched the video that your position is correct. Do not forget to state your name, course, year and section when posting. Thanks!

35 comments:

Unknown said...

Emotions aside...I think she's correct...Her research based and scientific analysis is difficult to rebut...Need an equally convincing argument..

for me, i know that increasing the tuition fee would be too much for those who cannot afford to pay for quality education. my heart goes out to the parents who would worry about where to get the money to pay for their child's tuition fee. however,i do not agree with what the activists did, i really believe that there are other ways to make themselves be heard. and if they really care about the welfare of their fellow "scholars ng bayan", they wouldn't cause any disruption especially now that students are taking their final exams. konti lang ang activists pero naaapektohan nila ang mas nakakarami. i also agree na mali rin ang media for generalizing and for not asking for comments/reactions from the school administration (or even the non-activists for that matter) regarding the issue. lumalabas kasi na side lang ng activists ang nabalita which could harm the image of our University. kaya tuloy apektado rin ang employment chances ng PUPians eh kasi hindi maganda ang naipapakitang imahe sa media.

-Karina M. Espinosa , BSA1-16D :)

shang said...

Trisha Dy R. Empeño
BSA 1-16D

Bilang estudyante ng PUP ako naman po ay sumasang-ayon sa pagtataas ng matrikula; iyon ay kung matutugunan lahat ang pangangailangan naming mga mag-aaral sa loob ng kolehiyo. Dapat na maitaas pa ang kalidad ng edukasyon naming mga estudyante at ayusing mabuti ang mga pasilidad ng paaralan. Masyado ng kapansin-pansin ang kakulangan ng mga mahahalagang bagay sa paaralang ito tulad ng mga gamot sa klinika, sanitasyon ng mga palikuran, mga sira-sirang kagamitan at pasilidad, at marami pang iba. Ang mga aktibistang mag-aaral ay dapat lang na mag-isip-isip ng pangkalahatang kapakanan at hindi ung pangsarili lamang. Sa parte naman ng administrasyon ng PUP, hiling ko lang na kung tataasan ang matrikula ay maging makatarungan naman sana ng naaayon sa kakayanan ng mga nagpapaaral sa amin.

renzsidney said...

Sang-ayon din ako sa pagtaas ng tuition fee ng PUP, dahil para din naman ito sa aming mga estudyante.

Sabihin na natin na marami tayong mga estudyante na umaasa sa mababang tuition fee ng PUP, pero siguro naman ay nakikita natin kung ano na ang kalagayan ng pasilidad ng PUP. OO, dapat tayong sustentuhan ng gobyerno, pero hindi lang naman tayo ang dapat nilang paglaanan ng panahon di ba?


Sa ginawa naman ng mag aktibista, hindi ako sang-ayon dito dahil kahit ipinaglalaban nila ang karapatan natin, eh mali naman ang ipinakita nilang asal at paraan ng pagkuha nito. Hindi ba't tayo ang tinatawag na "ISKOLAR NG BAYAN"? Pero sa pinakita nila, tingin ko ay hindi ito nababagay sa katawagang iyon.

Sa tingin ko bilang estuidyante ng PUP, dapat tayong makipagtulungan sa mga namiminuno sa atin. Ipaglaban natin ang ating karapatan sa pamamagitan ng maayos na pamamaraan. Ipakita natin sa pamahalaan na karapatdapat tayo sa hinihingi nating suporta mula sa kanila at karapatdapat tayong tawaging mga "ISKOLAR NG BAYAN".

~renzsidney

christine jeremiah martinez said...

Bilang isang estudyante ng isang pamantasan na nangangailangan ng pinansyal na pangangailangan..tama lang na magkaroon ng isnag tution hike kasi base sa pagaaral yung tuition fee namin ay binago 30 taon pa ang nakakaraan.. ibig sabihin sa panahon na un, mababa pa yung palitan ng piso sa atin at kaunti pa lang ang mga pangunahing gastusin ng bawat pamilya.. kung ikukumpara mo sa panahon ngayon, mas tumaas ang gastos at pangangailangan ng bawat pamilya pati ang pangangailangan sa edukasyon.. oo sabihin na natin na kaya nga merong PUP ay para sa mga mamamayan na hindi kayang matugunan ang gastos sa pagaaral ng mga anak..pero ung pagaaralan din natin, kaya nga magkakaroon ng tuition fee increase ay para magkaroon ng mas maganda pang kalidad ng edukasyon at para maksabay rin ang pamantasan sa iba pang pamntasan na nagbibigay ng magandang kalidad ng eduksyon..
oo mahirap maghanap ng pera sa panahon ngayon pero mas mahirap kung ang mga kabataan na matuturing natin na pag asa ng bayan ay hindi makapag aral ng maigi dahil sa makalumang pamamaraan ng edukasyon.. hindi mahirap maglabas ng pera kung para sa ikagaganda ng buhay ng mga kabataan..


isipin natin ang magandang idudulot nito hindi lang sa pamantasan kundi pati sa mga estudyanteng nagaaral dito.. wa atyong manghinayang sa perang ilalanas natin kung alam naman natin na para din ito sa kinabukasan natin..

mas nagdudulot ng kahihiyan sa mga inosenteng estyudante ng pamantasan ang mga pangyayari sa loob ng campus kesa sa mga problema ng pagtaas ng tuition ng skul..


maging open minded sana ang mga taong nakikialam sa problemang ito kasi hindi lang naman ang administrasyon ng pamantasan ang makikinabang kundi ang mga nakapaloob sa pamntasan gaya ng mga staff,guro at iba pa lalo na ang mga estudyante..


=christine jeremiah martinez

don timothy ong said...

ang pagkakaroon ng tuition fee increase ay talagang nakakabahala lalo na sa mga estudyanteng nagaaral dito.. syempre kaya nga sila nagaral dito ay para sa mababang matrikula ng pamntasan.. pero kung ating iispin may tama din naman ang pagkakaroon ng tuition fee increase..

yung 12 per unit na tuition nun ay nabago 30 taon na ang nakakaraan..ibig sabihin noong panahon na yun, mababa pa yung palitan ng piso nun.. eh ngayon, mas mataas pa sa tuition ng pamantasan yung palitan ng piso natin..ibig sabihin talgang kailangan ng magakroon ng tugon pinansyal ang pamantasan para matugunan nito yung akademikong pangangailangan ng mga estudyante..


huwag sanang maging one sided ang mga taong against sa pagtaas ng matrikula kasi hindi lang naman para sa mga namamahala ng pamantasan ung dagdag matrikula kundi para sa mga nangangailan ng tugon sa mfga pasilidad nito..


-don timothy

Marc Louiz said...

Para po sa akin,makatarungan ang pagtaas ng tuition ngunit,subalit,datapwat,hindi dapat gaanong malaki. Dahil karamihan sa dahilan ng mga papasok at mga pumapasok pa lamang sa PUP ay dahil mababa ang tuition dito, bagaman alam nila na may aktibista dito. At kung magtataas man ay dapat na maliwanag sa mga estudyante ang dahilan at dapat rin na makatarungan ang mga dahilan.

Iyon lamang po,mula sa "The Man of a few Words"

daRwin said...

Para sa akin, ang pagtaas ng tuition fee ay reasonable at para sa ikagaganda rin ng PUP.
Ayon sa aking napanuod kanina, ang pagtaas tuition PUP ay huling nangyari pa noong 1979(30 yrs ago). At ang pagtaas naman ng tuition fee ay makatarungan dahil kung ating aanalisahin, mas makakabuti ito at magbibigay ng sapat na mga kagamitan sa PUP pati sa pagtaas ng mga suweldo ng mga opisyal doon.
Marahil, ang mga ilang estudyante sa PUP o ang mga aktibista ay hindi tumitingin sa ibang dahilan at benepisyong matatanggap ng mga estudyante sa pagtaas ng tuition fee.
Sa isang banda, ang pagtaas naman ng tuition fee ay magdudulot ng malaki sa lahat ng estudyante. Mula sa P12/unit ito'y tutungo sa P200/unit at ito'y nagtaas ng 1567% increase.

Kaya dapat ay pag-aralan natin, analisahin at unawain ang bawat dahilan kung ito ba ay tama o hindi.

mary grace triviño said...

triviño,mary grace g.
bsa1-16d


Bilang isang estudyante ng PUP at nakaranas ng halos isang taon ng buhay sa pamantasan ay masasabi kong dapat na umunlad ng pamantasan at sumasang ayon ako sa naturang pagtaas ng tuition fee. Sa aking pamamalagi sa pamantasan ay talaga namang nakaapekto ang aking ginagalawang silid-aralan sa aking konsentrasyon sa pag-aaral at hindi lamang ito sa kabuuan malaki ang impact ng buong katatayuan ng pamantasan ngayon.S'yempre given na nga na state university tayo at pinopondohan tayo ng gobyerno pero makikita naman natin ang kalagayan ng pamantasan at higit ay ang kalagayan nating mga mga-aaral, masasabi ko na hindi naman sumasapat ang mga pondong ito at sinasabing malaki pa ang kulang kaya naman dapat lamang gumawa na ng aksyon ang mga kinauukulan o ang namumuno upang baguhin o iangat ang ganitong kalagayan. Kung magpapatuloy ang ganito ay masasabi kong hindi na makatitiyak ang paaralan sa paghuhubog ng isang "good form of quality education". Para sa akin, hindi naman nakafocus lang ang "quality education" sa paraan ng pagtuturo at kung anu bang mga naitututro kundi kabahagi din nito ang silid at mga pasilidad na bumubuo sa pamantasan. Paano mo nga ba maeenjoy ang pag-aaral kung ang iyong silid ay talaga namang napakasikip at sikisikan na ang mga estudyante, kulang o walang bentilasyon at talagang ilan pang mga kakulangang istraktural. masasbi ko na sa pagtatas ng tuition fee ay mapapaunlad ang kalagayang ito ng pamantasan at maiaangat at mga programang patungkol sa kabutihan ng mga namamalagi at mamalagi pa sa pamantasan. Ang pagtaas na ito ay may masama din namang epekto ngunit isaisip natin ang mga malalaki at magandang maidudulot nito at ito naman ay patungkol sa pangkalahatan at hindi lamang sa pansariling kapakanan lamang ng nasa itaas. isaisip natin ang kalagayan at nararapat na gumawa ng paraan at ito ay isa sa mabisang paraan.

Sa mga pamamaraang ginawa naman ng mga aktibista upang ipakita ang kanilang saloobin tungkol sa usapin ay massabing kong..."dapat nilang pag-isipan kung tama ba talaga ang ginawa nila." sabi nga" ang "means" na ginamit nila ay hindi nagjujustify sa dapat na maging resulta o "ENDS". Mas lalong nagkulang ang kagamitan ng mga estudyante at ito ay mas magiging dahilan pa nga upang talagang itaas ang tuition fee. mas nangangailangan ang pamantasan ng salapi upang palitan ang mga nawala at nasira. alam kong bukas ang isip nila sa alagayan ng paaralan kaya dapat nilang suportahan ang proposal na ito..sa mga naganap ay nadungisan ang pangalan ng paaralan at pinag usapan ng lahat hindi bilang isang magandang paaralan ngunit isang paaralang puno ng kaguluhan...

Sa pankalahatan, ang tuition fee increase na ito ay dapat lamang para sa aking sariling pannaw at opinyon dahil ito ang mag-aahon sa lubog at papalubog pang pamantasan. Ahon "ISKOLAR"!...

sTrobeyi said...

tuition fee hike?

sumasangayon ako sa pagtaas ng matrikula.. upang matugunan ang pangangailangan ng paaralan tulad nalang sa mga pasilidad ng silid aralan, palikuran at pati na rin ang suweldo ng mga nagtatrabaho rito.. ngunit sa 200 pesos per unit ay hindi. oo kung pagbabasehan sa taon na di tumaas ang tuition ay nararapat ito. ngunit sa estado ng buhay ng mga magaaral ay lubhang mali ito. isipin natin na kung sa 12 pesos per unit palang eh nagkakanda hirap-hirap ng makapagaral ang mga magaaral eh pano pa kung 200 na.. sana isipin din nila na kung magtataas sila ay ibase nila sa nakararami, iyon ay ang mga estudyanteng salat sa yaman.. kahit na ung mga bagong estudyante lang ang makakaranas nito marami pa din ang maapektuhan, mas tatas ang rate ng mga batang di makakapagtapos ng pagaaral.. ang pup na nga lang ang tangi nilang pag-asa upang makapagtapos ng kursong nais nila ipagkakait pa ba natin ito.. sana maisip nila iyon..

sa mga aktibista naman ung pamamaraan nila ay mali dahil kasi masyado itong bayolente.. maraming pasilidad ang nasira.. sana sa mapayapang paraan nila ito ginawa.. Ang naging imahe natin sa mga tao napasama, nagbigay ito ng kaisipan sakanila na lahat tayo ay aktibista..

Sana bago tayo kumilos isipin muna natin ang magiging resulta nito at ang kapakanan ng nakararami..

Keena B. Bartolini
BSA 1-16D

Carla said...

Tuition fee increase? mula P12 naging P200? Ansakit! Ansakit sa bulsa? ganito! Ganito ang pakiramdam ko ng marinig ang patungkol sa balita.

Ngunit, sinubukan kong tumingin sa kalagayan ng ating paaralan- ang PUP. Una, ang mga silid- aralan na hindi ko alam kung karapat- dapat bang tawaging silid- aralan. Punong- puno ng mga sulat sa pader, sira- sira ang mga upuan, at ang mga table ng mga guro ay kailangan pang agawin mula sa inbang mga silid. Ilan taon na nga ba ang PUP? Kasing tanda o marahil mas matanda pa sa ating mga magulang o baka nga mas matanda pa sa mga lolo natin.Humigit- kumulang 30 years na mula noong huling nagtaas ang PUP. Hindi ka na siguro magtataka kung bakit ganito ang ayos ng mga silid- aralan. Sino ba ang mga nagsusulat sa pader? Di ba't kapwa din natin mga estudyante? Ngayon, sila ba ang nagpapaayos ng mga silid? Di ba't hindi naman? E saan kukuha ng napakalaking halaga ang administrasyon ng PUp para ayusin ang mga ito? Hindi naman sapat ang pondong binibigay sa atin.

Napag- usapan rin lang ang pondo. Mga kapwa ko iskolar ng bayan. Ang ating bansa ay lubog sa utang sa ibang bansa. Marami ang gastusin at hindi lamang ang edukasyon. Pag dating sa edukasyon, hindi lang PUP ang paaralan na kailangang tustusan ng gobyerno.

Sumunod kong napansin ay ang mga guro na alam ko namang nahihirapan na dahil sa sakit sa ulo na binibigay ng kanilang mga estudyante,dagdagan pa ng mga delay at di sapat na sweldo.

Hanggang sa mapatingin ako sa mga janitor at janitress. Dama ko ang hirap na dinaranas nila sa pagpupulot ng mga kalat, di lamang sa mga basurahan kundi pati na rin sa kung saan- saan. Ang ibang estudyante kasi, itatapon nalang sa basurahan, hindi pa magawa. Ngunit alam ninyo ba na barya- barya lang ang sinusuweldo nila?

MARAPAT lamang siguro na itaas ang tuition natin dahil sa mga iyan. Magtiwala tayo sa administrasyon. Parte rin sila ng ating paaralan at hindi naman siguro nila hahayaan na masira at lumubog ang sinta nating paaralan.Kung hindi tayo magtitiwala, ano pa kayang paaralan ang aabutan ng susunod na henerasyon. Mamili ka- medyo mataas na matrikula(nguni't hindi naman ganoon kataas sapagkat halos kalevel lamang ng ibang state university) o isang paaralan na walang laman at walang maayos na mga guro?

Mga kapwa ko Iskolar ng Bayan kung tawagin, subukan ninyo ring tignan ang itsura ng ating paaralan. Subukan ninyong pagmasdan ang kawawa nating paaralan. Makikita ninyo rin ang sinasabi ko.

>>Carla Joy C. Mariano
BSA 1- 16

Carla said...

Tuition fee increase? mula P12 naging P200? Ansakit! Ansakit sa bulsa? ganito! Ganito ang pakiramdam ko ng marinig ang patungkol sa balita.

Ngunit, sinubukan kong tumingin sa kalagayan ng ating paaralan- ang PUP. Una, ang mga silid- aralan na hindi ko alam kung karapat- dapat bang tawaging silid- aralan. Punong- puno ng mga sulat sa pader, sira- sira ang mga upuan, at ang mga table ng mga guro ay kailangan pang agawin mula sa inbang mga silid. Ilan taon na nga ba ang PUP? Kasing tanda o marahil mas matanda pa sa ating mga magulang o baka nga mas matanda pa sa mga lolo natin.Humigit- kumulang 30 years na mula noong huling nagtaas ang PUP. Hindi ka na siguro magtataka kung bakit ganito ang ayos ng mga silid- aralan. Sino ba ang mga nagsusulat sa pader? Di ba't kapwa din natin mga estudyante? Ngayon, sila ba ang nagpapaayos ng mga silid? Di ba't hindi naman? E saan kukuha ng napakalaking halaga ang administrasyon ng PUp para ayusin ang mga ito? Hindi naman sapat ang pondong binibigay sa atin.

Napag- usapan rin lang ang pondo. Mga kapwa ko iskolar ng bayan. Ang ating bansa ay lubog sa utang sa ibang bansa. Marami ang gastusin at hindi lamang ang edukasyon. Pag dating sa edukasyon, hindi lang PUP ang paaralan na kailangang tustusan ng gobyerno.

Sumunod kong napansin ay ang mga guro na alam ko namang nahihirapan na dahil sa sakit sa ulo na binibigay ng kanilang mga estudyante,dagdagan pa ng mga delay at di sapat na sweldo.

Hanggang sa mapatingin ako sa mga janitor at janitress. Dama ko ang hirap na dinaranas nila sa pagpupulot ng mga kalat, di lamang sa mga basurahan kundi pati na rin sa kung saan- saan. Ang ibang estudyante kasi, itatapon nalang sa basurahan, hindi pa magawa. Ngunit alam ninyo ba na barya- barya lang ang sinusuweldo nila?

MARAPAT lamang siguro na itaas ang tuition natin dahil sa mga iyan. Magtiwala tayo sa administrasyon. Parte rin sila ng ating paaralan at hindi naman siguro nila hahayaan na masira at lumubog ang sinta nating paaralan.Kung hindi tayo magtitiwala, ano pa kayang paaralan ang aabutan ng susunod na henerasyon. Mamili ka- medyo mataas na matrikula(nguni't hindi naman ganoon kataas sapagkat halos kalevel lamang ng ibang state university) o isang paaralan na walang laman at walang maayos na mga guro?

Mga kapwa ko Iskolar ng Bayan kung tawagin, subukan ninyo ring tignan ang itsura ng ating paaralan. Subukan ninyong pagmasdan ang kawawa nating paaralan. Makikita ninyo rin ang sinasabi ko.

>>Carla Joy C. Mariano
BSA 1- 16

Anonymous said...

Mariztine B. Mirandilla
BSA 1-16D

As for me, the tuition fee increase is reasonable and unreasonable considering the prices today. The cheapest rice costs P28/kilo.(this is according to http://www.magkano.com/market/rice_price.htm) If tuition fee increases, many students will be affected and they might not attend school anymore. Instead of learning, they might use their money to by rice instead.

On the other hand, P12 is not very worthy today especially in upgrading facilities like laboratories, better classrooms, etc. What can P12 buy this days?

In the commercial of selecta corneto, it shows P20 doesn't cost much. How much more is the P12?

Like what she said, the last time tuition fee increased was 30yrs ago. And compared to the prices then, P12 is still reasonable but, today, we all know, it is not.

The school needs to operate. How can they operate, if they don't have any fund? How can they have fund if they don't raise the tuition fee?

If you think about it, is P12 enough to pay our professors?

idk...

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Celestine Martinez
BSA 1-16D

Kung ating aanalisahin ang mga pangyayari ukol sa haing pagtataas ng tuition fee sa PUP, para sa akin ay hindi naman ito makakasama sa mga mag-aaral. Siguro nga'y nakasanayan na ang mababang matrikula pero hindi naman natin maipagkakailang hindi na ito sumasapat para sa mga gastusin ng pamantasan, makikita naman ito sa kalagayan ng mga pasilidad at kagamitan..gayun na rin naman ay dapat isipin na rin ang kalagayan ng mga propesor na nagtuturo dito,nagtatatrabaho sila para rin may makuhang sweldo. Ang ginawa ng nga aktibista ang sa tingin ko'y nagpapalalim ng isyung ito..may point sila pero hindi tama ang kanilang pamamaraan. on the other hand, hindi lang naman ang PUP ang unibersidad na tinutustusan ng budget ng pamahalaan. Marami pang proyekto para sa mamamayan. At saka kung iaasa naman sa pamahalaan ang lahat, wala naman ding mangyayari..kaya mas mabuti na ang gumawa ng aksyon. Makakatutulong din naman ito ng malaki sa PUP. SAna lang kung maisasaayos ang mga pasilidad ay wag na itong dungisan pa ng kung anu-anong pintura, at bago pa rin ang lahat ay ikonsidera pa rin ang mga mag-aaral na may kakapusan sa pera. hindi rin kasi lahat ng estudyante ay nakakaranas ng masaganang pamumuhay kaya sana kung magtaas ng matrikula ay gawing unti-unti o may maayos na sistema para sa ikabubuti ng lahat.

Anonymous said...

I've been studying in PUP for a year now, and i have seen the essential of increasing the tuition fee.

Poor sanity, vandalized walls, not enough chairs and ventilation - these are what I've noticed for staying in PUP for almost a year. For these problems to be resolved higher budget are needed. In view of that, I agree in the increase of tuition fee, nonetheless the increase shouldn't be that big. We know that PUP isn't a private school, and for that not all incoming freshmen can afford to such high increase in tuition fee. I suppose that P200 per unit from P12 is too much. The school, I suggest, to increase the fee little by little, say every three years.

In order to have good quality education, I presume, needs a good teacher. For that to happen, the school needs to maintain the teachers who have surpassed and been in their field for a long time, and to that they have to give them satisfactory wages. Once again, increase in tuition fee would be an answer.

On the other side, there were people who totally disagree in the proposal - the activists. They rallied. They burned some chairs. They have distracted several students. Cutting it short, they have cause great damages. It is given that they yearn for no increase in tuition fee, yet their means to be heard is excessive. Thus, it's a no to what they did.

-- Kho, Kirstie D.
BSA 1-16D

mikey said...

sino bang hindi sasang-ayon sa pagtaas ng tuition fee kung ang paggagamitan ay tama?

sang-ayon naman ako sa pagtaas ng tuition fee kung ang pagbabasihan ay para sa kapakanan ng mga Iskolar ng Bayan dahil karamihan talaga ng nag aaral sa PUP ay salat sa yaman pero may mataas na karunungan. sabihin na natin na lumipas na ang 30yrs mula nung nagbago ang tuition pero may pag-unlad na bang natamasa ang lahat ng tao? hindi, mas marami pa din ang mahirap at mas dumadami pa sila na nangangailangan ng edukasyon. pwede namang magkaroon ng tuition fee hike pero makatarungan ba ang higit sa isang daan porsiyento? kaya bang tustusan ang ganung kalaking bagay ng mga mahihirap, ng mga magulang na kararampot lang ang sahod? kaya nga napili ang PUP para pag aralan dahil sa murang tuition nito at mataas na kalidad ng edukasyon. salungat man ang aking mga sinabi ay sumang-ayon ako para na sa isang maganda at maayos na pasilidad, pang akademikong pinansyal, at mataas na sweldo para sa mga guro at manggagawa. nang sa gayon ay tumaas pa lalo ang kalidad ng edukasyon meron ang pup, magawang makipagsabayan sa iba pang pamantasan, at mapagtibay ang pangalang pinanghahawakan ng PUP.
SULONG ISKOLAR NG BAYAN.

--Michael Bryan B. Bautista, BSA I-16D c:

Mcdo ft.Ama said...
This comment has been removed by the author.
Mcdo ft.Ama said...

Sa lagay ng ating paaralan,sa tingin ko, karapat dapat lang naman mag taas ng tuition. para din naman ito sa pasilidad ng ating eskwelahan. di na angkop ang kagamitan na ginagamit dito dahil di na ito naaayon sa panahon ngayon. Oo tama ang pinag lalaban ng mga aktibista at nakasaad sa batas na dapat prayoridad ng gobyerno ang pag paaral sa kabataan. Ngunit paano naman ang ating paaralan. hahayaan nlng ba natin itong mabulok at masira? di ba tayo gagawa ng aksyon upang mapunan ang pag kukulang ng ibang sakim at makasariling namumuno? Eto ang ginagawa ng Administrasyon ng PUP na pinamumunuan ng presidenteng si Dante Guevara. Ipagpalagay na nating nagkasakit ang ating magulang, sino ang bubuhay satin sa panahong di nila tayo kayang suportahan? syempre sating sarili din,gagawa tayo ng paraan upang malagpasan ang pag hihirap. Gobyerno ang magulang at buong kumunidad naman ng PUP ang anak. Gumagawa lang naman ng paraan ng ang Presidente ng PUP upang mapunan ang pag kukulang ng Gobyerno sa ating Paaralan. Di dapat mag hasik ng kaguluhan ang mga estudyante, kaylangang alamin muna nila ang pananaw ng kabilang panig bago sila umalma. di naman tamang manakot at manira kung pwede namang daanin sa mabuting usapan.

Hindi estudyante ang may kasalanan kaya di sila dapat mag pasan ng problema ng unibersidad. Ngunit di man natin gusto, ay dapat maibsan ang hirap na tinatamasa ng ating unibersidad habang nasa pamamalakad pa ng magulong pamahalaan. Di tamang paglagi ng badyet ang sanhi ng problemang ito. maayos na serbisyo at pag asikaso ang dapat ibigay ng pamahalaan para sa mahihirap na nangagarap na gustong magkaroon ng magandang buhay.


Alberto S. Manatad III
BSA 1-16D

Dyoy said...

Para sa akin, mas nangingibabaw sa'kin yung hindi pag-sang ayon.. Pero sang-ayon din naman ako dito. Ang gulo no? Eexplain ko ang bawat isa.

Una, hindi ako sang ayon kasi mostly ng population ng mga taga-PuP ay mahihirap.. May mga estudyante pa ngang pumapasok lang na sakto ang pera sa bung araw o minsan pa nga wala pa pero pinipilit pa din nilang mag-aral kasi mura lang ung tuition kahit di na sila masyadong makakain.. Maswerte na kung may sobra sa baon nila. Iilan lang naman siguro yung may ganyang sitwasyon sa school.. Hindi naman kamii mahirap, may-kaya naman kami sa buhay.. Kung tutuusin ok lang ngang magtaas kasi para sa ikabubuti din naman yun ng school.. Ang akin lang naman, hindi ko tinitingnan ung sariling kagustuhan ko o ang estado ko sa buhay.. Tinitingnan ko din kung anu ung pangkalahatang sitwasyon ng mga estudyante sa school.. Hindi ba't pag nagtaas ng tuition ang PuP ay maraming maaapektuhan?
Maraming pamilya ngayon na ipinapasok ang anak sa PuP kasi mura dito compare to other schools.. Para sa'kin lang, sana tinitingnan din ng Admin ung sitwasyon ng mga studyante ng school. Kung tutuusin, pede naman natin ipaglaban ung pagtaas ng budget ng PuP. Kung ang UP nga na mas mataas ang budget sa'tin, hindi ba tayo pde magtaas? Kasi sila mataas na tuition fee nila 'di ba? May pandagdag sila sa budget nila. Eh tayo? wala na ngang pinagkukunan ng budget sa PuP, mababa pa ang budget. Wag sana magtaas ng tuition kc maraming estudyanteng nagta-tiyaga na lang sa mga maiinit na classrooms na walang electric fan para lang makatapos ng pag-aaral. Hindi makatarungan ung sa iba kong mga kamag-aral kaya hindi ko rin sila masisisi kung ba't nagwewelga sila. Ang hirap na kasi ng buhay ngayon.. Sang-ayon ako sa ipinaglalaban nila pero hindi ako sang-ayon sa paraan ng pagpapakita nilang ayaw nila magtaas.

Pangalawa, sang-ayon ako sa pagtaas.. Para na rin maayos na ung mga facilities ng school. Para magkaroon ng maayos na ventilation, maayos at tamang bilang ng upuan ng mga estudyante bawat clasroom, ung mga sulat sulat sa pader at lalong lalo na ung mga cubicles ng Comfort Rooms (Sana magkaroon na ng tubig!).
Tulad nga ng sinabi sa'min ng Philo prof nmin, P180+ na dpt ung per unit natin kung titingnan ang halaga ng pera ngayon. Ang P12 per unit natin ang tinatag pa noon kung kailan mababa pa ang halaga ng pera.
Isa pa, ung library natin, hindi din nmana ganon ka-ayos. Hindi naman ganon ka-accesible kasi ma mgalibrong wala. Ganun din ang Clinic natin, walang sapat na pambili ng gamot dahil kulang sa budget. Pati ang mga sahod ng mga teachers, janitors, atbp.

Yun lang naman.. Medyo napahaba na ata.. hehehe.. ^^

P.S. Ma'am! di po ako aktibista haaaa.. Normal student lang ako sa PUP..


Mary Joy Lucena
BSA 1-16D

ianne003 said...

Suarez, Arianne Rose
BSA I-16D



Sa halos isang taon kong pamamalagi sa aking paaralan, natunghayan ko ang malaking problema ng PUP. Sinasabi ng mga aktibista na ang malaking problema ng PUP ay ang pagnanais ng Administrasyon ng PUP na pataasin ang matrikula sa paaralan, at ang hindi pagsustento ng mabuti ng gobyerno sa ating paaralan.

Ngunit, sa aking opinyon, ang bulok na pasilidad ang malaking problema ng PUP. Habang nagbabago ang panahon, lumiliit ang halaga ng pera, gayon din ang halaga ng ibinabayad natin sa paaralan. At ang maliit na halaga na yun ay hindi kayang tustusan ang lahat ng gastusin ng paaralan.

Isa man akong estudyante ng PUP at alam kong sa paaralang ito, maraming magulang ang nagpapakahirap upang mapag-aral ang kanilang mga anak, ngunit sa kalagayan ng PUP, nararapat na magkaroon ng pagtaas ng matrikula. Marami man ang tutol dito, ngunit sa aking palagay, ito ang magiging solusyon upang mapaayos ang pasilidad ng paaralan. Upang makamit ng bawat isa ang sinasabing "quality education", nararapat na magkaroon ng maayos na pasilidad sa paaralan.

Hindi ako sang-ayon sa ginawang pagkilos ng mga aktibista. Oo nga't ipinaglalaban nila ang karapatan ng lahat, ngunit ang ginamit nilang proseso ay di kanais nais. Dapat, ang mga aktibista ay nagiisip muna bago kumilos. Alam ng lahat na ang pagtaas ng matrikula ay para rin sa benepisyo ng mga mag-aaral, kung kaya't di na dapat tutulan pa iyon. Sa administrasyon naman, dapat na gawin nilang makatarungan at maayos ang pagtataas ng matrikula upang magkaroon ng maayos na pamamalakad.

REA MIAGA said...

it's quite reasonable to increase tuition fee with regards to the shown research.. but the fact that it's been years that the price of tuition of was P12/unit, it'd surely hit the pride of the current activists.. to analyze that, it really hit them. . the reason why such unlawful acts were done by activists of our alma mater these recent season. .
and to tackle about the former PUPians, it bothered them much because not all of us cared much regarding this issue.. to be frank, most PUPians now would still be able to afford that P200/unit tuition fee, if ever that happens. .
i think we need more and clearer discussion on this matter. .
well, Ma'am i never expected you'd be much concern with this. .


-REA MAE R. MIAGA

Unknown said...

Usaping Tuition Fee Increase..
Makaraang buwan lamang ito ang naging headline sa loob at labas ng PUP, fahil sa 'di umano'y walang sapat na basehang pagtataas ng tuition fee.
Para sa akin ang pagtataas ng matrikula ay may sapat namang dahilan. kitang-kita naman ang higit na pangangailangan ng PUP sa iba't-ibang aspeto..Mula sa pasilidad hanggang sa sanitasyon..Mula sa mga upua't mesa ng mga silid, sa mga banyo, hanggang sa mismong pagkakapintura sa main building.
Pero kung ako lang, oo, sang-ayon ako pero sana naman hindi biglaan, I mean, pwedeng magtaas pero hindi sana agad P200/unit kasi maraming estudyante ang mahihirapan. Paano na lamang ang ibang estudyante ng PUP? Na walan talagang pang-pinansyal na suporta? kung siguro wala silang scholarship at natuloy ang pagtataas, siguro marami ang hindi magpapatuloy, kasi hindi talaga nila kaya. Pero kung iisipin talagang kailangang-kailangan na ito ng PUP.
Sa tingin ko po, ang pagtataas ng matrikula ay magiging napakalaking tulong sa pagpapa-unlad at pagpapasa-ayos ng pasilidad ng PUP. Pero sana rin kahit lahat ay makikinabang, sana ay isipin muna nila ang kalagayan o estado ng bawat estudyante.. Kung makakayanan ba nilang mapanindigang maging "Iskolar ng Bayan".
At kung saka-sakaling ganun talaga ang itataas ng tuition fee, sana matugunan nito ang lahat ng mga kakulangan sa ating unibersidad. Hindi lang sa pampasilidad na aspeto maging sa kalidad ng edukasyon na kanilang pinagmamalaki..

Sherielyn M. Belandres
BSA1-16D

mcdo ft. ina said...

Sa patuloy ng pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pang araw-araw na pamumuhay, hindi maikakaila na patuloy na rin ang pagdami ng mga mahihirap sa ating bansa. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang hindi nkakapagaral o nkakaabot sa kolehiyo.

PUP, isang unibersidad na may magandang imahe para sa mga estudyanteng namimili kung saan sila mag-aaral. Sa patuloy na pagdaan ng taon ay patuloy rin ang pagdami ng populasyon sa unibersidad, at isang malaking pagtataka kung paano nga ba napagkakasya ng admin ang sustento na galing sa pamahalaan at sa mga estudyante sa napakaraming taon na. Ngayon, naisip na ipatupad ng admin ang pagtataas ng tuition sa halagang 200php/unit, na napakalayo ng agwat sa dati nitong halaga, dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng budget ng pamahalaan na nilalaan para sa mga state universities ay hindi ito sumasapat sa pangangailangan ng unibersidad, estudyante, mga guro, janitor at iba pang tao na parte ng unibersidad. Makatarungan ang pagtaas ng tuition fee kung ikukumpara ang halaga nito sa nakaraan, hindi naman makatarungan dahil karamihan sa nag-aaral sa unibersidad ay pawang hindi marangya ang pamumuhay, na masasabing hindi maa-fford ang tuition fee increase. Ngunit hindi ba biglaan at sobra ang hinihinging ito ng administrasyon sa mga estudyante?kung magtataas nga ba ng tuition fee ay masisigurado ba ang kaayusan na inaasahan ng lahat?


Sa panig ng mga iskolar ng bayan na nakipaglaban para sa kapakanan ng lahat, nakakatuwang isipin na mayroon pa rin iilan na estudyante ang nakikipaglaban para sa karapatan ng lahat, na hindi sumasang-ayon sa pagtaas ng tuition fee. Hindi maikakaila na mali ang paraan ng kanilang pagpapahayag ng mga saloobin. Lalo pa dumami ang problema nang sirain ng mga aktibista ang iilang gamit sa unibersidad. Hindi mo rin masisisi ang mga kabataan na ito dahil hindi naman sila papakinggan ng administrasyon kung idadaan sa isang matinong usapan. Isang pagkilos na masasabing isang tagumpay para sa mga tunay na iskolar ng bayan, nakamit nila ang kanilang ipinaglaban. Paano na ang mga sinirang gamit ng mga aktibista? May pagbabago pa bang magaganap sa unibersidad o mananatili ang maraming problema sa pasilidad?ano na lang ba ang PUP sa mga susunod pang taon?

Maganda ang hangarin ng dalawa, ngunit masasabing mayroong mali sa pamamaraan para makamit ang kanilang naisin. Hindi ba dapat na ang pamahalaan ang tumutustos sa kung anong pangangailangan ng unibersidad at hindi dapat manggaling pang 'MULI' sa bulsa ng ating mga magulang? maraming bagay ang dapat i-consider bago gumawa ng hakbang o pagkilos sa kinakaharap na mga problema ng ating sintang unibersidad.

Cruz, Airiz Camille Y.
BSA I-16D

angelle jane said...

ANGELLE JANE ALMAZAN
BSA 1-16D
For me ok lang sanang magtaas ng tuition fee dahil talagang kapos ang ating paaralan sa budget kaya hanggang ngayon hindi pa rin maayos ang ating paaralan tulad-walang sapat na electricfan,sira ang mga banyo,madungis ang mga dingding,etc.subalit nakasasama lang ng loob dahil biglaan na lang na 200 mula sa dating 12, kaya nag over act ang mga aktibista dahil mostly sa kanila ay katulad ko ring poor na walang sapat na pambayad sa mataas na tuition fee at anak ng magsasaka. pero talagang super nakabibigla ito lalo na't super hirap ng pera, sana kung magtaas sila eh malapit sa dating nakasanayan na ng estudyant , sa katunayan nanggagalaiti ako nang malaman ko yun hindi lang dahil mahirap ako at walang sapat na pambayad kundi iniisip ko rin ang karamihan at ang mga magulang na umaasang ang PUP ang makatutugon sa hangarin nilang makapagpatapos ng anak, para sa adim "sana pilitin nyo pang kausapin ang pamahalaan sa problemang kinahaharap ng ating school at sana huwag isipin ang pansariling interest at saludo naman ako sa mga gurong mas inuuna ang mga estudyante kesa sa personal na interest.

juju said...

Para sa akin, reasonable naman talaga ang pagtataas ng tuition fee dahil para rin naman ito sa ikabubuti ng mga iskolar ng bayan at sa ikagaganda ng ating unibersidad. Oo nga’t kilala ang PUP dahil sa mababa nitong matrikula. Masarap pakinggan dahil sa ganitong identity ay nakikilala tayo ngunit nakalulungkot rin na dahil dito ay napag-iiwanan na tayo. Kung titignan natin, masyadong maliit ang P12 per unit para sa pagpapaayos ng mga sira-sirang upuan, mga CR, pagpapalagay ng mga ceiling fan sa bawat room na talagang dapat bigyang-pansin. Kung magtataas tayo ng tuition fee ay paniguradong maaaksyunan ang mga problemang ito ng unibersidad. Makakapag-concentrate pa tayo nang mabuti sa pag-aaral at mabibigyan tayo ng maganda, maaliwalas at may kalidad na edukasyon.

Kung ayaw natin ng tuition fee hike ay huwag sana tayong magreklamo kung bakit sa kapanahunan pa ni kopong-kopong ang mga libro sa library; kung bakit mainit dahil sa walang maayos na ceiling fan; kung bakit walang maayos na mga CR; kung bakit walang pondo para sa pagpupublish ng school organ; kung bakit kulang-kulang ang mga tools sa mga laboratories at walang maayos na mga facilities. Hindi lang naman tayo ang nag-iisang state university sa bansa kaya hindi ganoon kalaki ang pondong nailalaan ng government para sa atin. Tuition fee increase ang pwedeng maging sagot sa mga problemang yan. Hindi ito maituturing na hadlang sa pag-abot ng mga pangarap ng mga iskolar ng bayan na hindi nakasasapat ang kita ng kanilang mga magulang sa araw-araw bagkus ay makatutulong pa ito sa kanilang pag-aaral.

Sana kung dumating na yung panahon na magtataas ng tuition ay maipakita ng administrasyon na may katuturan ang pinaggagamitan nila ng mga perang ibinabayad natin. Hindi yung kung sa anu-anong mga buildings or “beautification” na sinasabi nila at pagdedebit-kupit sa pera ng mga iskolar. Syempre, kailangan mas pagtuunan ng pansin yung mga problema sa loob ng university.

Para naman sa mga aktibista, hindi natin kailangang gumawa ng mga bagay na maaari pang makapagpahamak sa atin. Hindi natin kailangan manira o magtapon ng mga gamit na maaari pa namang mapakinabangan at kung anu-ano pang maisipang eksena. Sa kinikilos ng bawat isa sa atin mapatutunayan na mayroon pa rin tayong natututunang “values” sa loob ng paaralan. Sana lamang bago tayo gumawa ng mga aksyon ay isipin muna natin kung ano ang mga possible outcomes ng mga ito. Idaan natin sa maayos at mapayapang paraan upang mapakinggan ng kabilang panig ang nais nating iparating.


Catome, Mary Joy L.
BSA I-16D

akabangji said...

para sakin sang ayon na hindi sa pagtaas ng tuition.

sang ayon kasi para naman iyon sa ikabubuti ng mga estudyante.sa pagpapaayos ng mga pasilidad.matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa kanilang pag aaral. pero sana katanggap tanggap naman iyong itataas ng tuition.

hindi sang ayon kasi ang PUP ln ang nagbibigay ng may kalidad na edukasyon sa mababang halaga. ito lang ang tanging pamantasan na nag oofer ng ganun.ito lang ang nagiging option ng mga tao na pasukan dahil ito lang ang kaya nilang bayaran at upang makatapos sila ng pag aaral.

kaya hindi ko rin masisisi ang mga naging reaction ng mga aktibista. pero hindi naman ako sumasang ayon sa parang ginawa nila.


ayon lang.




Mendoza, Donna Medinah P.
BSA1-16D

leenatz said...
This comment has been removed by the author.
kristel baluso said...

nung una talaga hindi ako sang ayon sa tuition fee hike, pero ng mapanood ko ang video namulat ako sa katotohanan na tama lang pala ang pagtataas ng tuition,,pero my kamalian din ang pup administration sa laki ng itinaas ng tuition, sabi nga ni winnie monsod kasi sa halip na 182.40 yung itataas eh ginawa nilang 200.hindi nga naman tama yun.so ngayon naintindihan ko na kung bakit kailangan magtaas ng tuition ng pup. Pero sana lang kung mangyayari pa ang tuition fee hike, tung mga sinabi nila dati na iibahin at paggagandahin na fasilidad sa campus ay magawa.Dahil mas maganda at nakakaganang mag aral kapag maayos at maganda ang pasilidad sa paaralan.

yuniS said...

hindi ako sang ayon sa tuition fee increase.dahil hindi naman ako makakasigurado na sa pagpapaganda nga ng skul ito mapupunta.

napagod nako kakatype kasi lagi nalang hind nakakapasok ung koment ko.hindi talaga ako marunong gumamit ng blog nato kaya pasenxa napo maam Hull.kung gusto nio po maam ay kwestyunin niu nalang pu ako kung bakit un ang sagot ko..pasensya napo talaga.


---Eunice D. Cacayan
BSA I-16D

Romar De Jesus said...

para sakin kahit na sabihing reasonable ang nasabing tuition increase, hindi parin dapat ito maaprubahan.napakaraming estudyante ang nagaaral sa PUP dahil sa kadahilanang ang matrikula ay abot kaya.karamihan sa kanilang mga magulang ay walang trabaho upang mapagkunan ng pera para sa ikabubuhay ng pamilya.maraming magaaral ang umaasa na makakatapos sila ng kolehiyo at makapagtrabaho upang maiahon sa kaharipan ang kanilang pamilya at makaranas naman kahit konting ginhawa. kung patuloy na ipatutupad ang pagtaas ng matrikula, paano na ang mga magaaral?magiging tambay na lng ba sila dahil walang pampaaral? tao lang din ang mga magaaral na ito, may mga pinansyal na hangganan din. di pinupulot ng kanilang mga magulang ang salaping ginugugol nila para makapagtapos ang kanilang mga anak kundi pinaghihirapan. kung magpapatuloy ito, nakikita ko ang hinaharap na ang karamihan ay di sapat ang kaalaman, di nakatapos ng kolehiyo, walang trabaho at KAHIRAPAN..

BSA 1-26D
Romar De Jesus

Arlene said...

Arlene D. Arellano
BSA I-16D

sumasang-ayon na akong magtaas ng tuition fee dahil iba na nga pala ang value ng P12 noon sa ngayon. Siguro dapat na itaas na para matustusan naman kahit papaano ang mga pangangailangan ng bawat estudyante sa loob ng paaralan at ng silid-aralan. upang maayos na rin ang mababahong c.r. na na tila unti unting pumapatay sa bawat gagamit nito dahil sa mapaminsalang amoy nito sa kalusugan ng bawat estudyante.

tayong mga estudyante, nararapat na intindihin din natin ang mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paaralan at lipunan at matutong tanggapin ito ngunit kung tayo'y nasa katwiran naman'y 'wag tayong matakot na ipaglaban ang ating mga saloobin.

Arlene said...

Arlene D. Arellano
BSA I-16D

sumasang-ayon na akong magtaas ng tuition fee dahil iba na nga pala ang value ng P12 noon sa ngayon. Siguro dapat na itaas na para matustusan naman kahit papaano ang mga pangangailangan ng bawat estudyante sa loob ng paaralan at ng silid-aralan. upang maayos na rin ang mababahong c.r. na na tila unti unting pumapatay sa bawat gagamit nito dahil sa mapaminsalang amoy nito sa kalusugan ng bawat estudyante.

tayong mga estudyante, nararapat na intindihin din natin ang mga bagay-bagay na nangyayari sa ating paaralan at lipunan at matutong tanggapin ito ngunit kung tayo'y nasa katwiran naman'y 'wag tayong matakot na ipaglaban ang ating mga saloobin.

chastine vergabera said...

Bilang estudyante, sumasang-ayon rin ako sa planong pagtataas ng matrikula. Hindi dahil mayaman ako o kaya ng magulang ko kundi dahil alam kong makatutulong ito upang mas mapabuti ang pag-aaral naming mga estudyante. Naiintindihan ko ang hinaing ng mga magulang at mga kapwa ko estudyante na rin tungkol sa pagtataas ng matrikula. Hindi nga naman biro na ang P12/unit ay magiging P200/unit kung saka-sakali. Subalit naisip niyo ba na matagal na namang hindi nagtaas ng matrikula ang PUP? Marahil kagaya ko, ang mga magulang ng iba sa inyo ay nag-aral rin sa PUP at natamasa din nila ang murang matrikula. Siguro naman ay sapat na ang 31 taon na hindi pagtataas ng matrikula at sa aking palagay naman ay marami na ring pamilyang natulungan ang PUP. Isa pang puntos na aking banggitin ay ang mga pasilidad. Hindi ba't lahat naman ng estudyante ay nagrereklamo sa bulok na pasilidad ng ating mga silid-aralan? Sa inyo bang palagay ay maaayos ang mga ito kung walang sapat na pondo ang pamahalaan ng PUP? Hindi! Hindi natin puwedeng isisi ang lahat sa administrasyon ng PUP. Maaaring may mga pagkakataon ngang nagiging "corrupt" sila, ngunit talga namang sa aking palagay ay hindi sapat ang ating pondo. Isipin na rin natin na marami ring bayarin ang ating eskuwelahan gaya ng sahod ng ating mga iginagalang na propesor at masisipag na utility men, ang kuryente at tubig. Mga kapwa ko mag-aaral, ang pagtataas ng matrikula ay hindi natin dapat agad husgahan sa maling paraan. Tingnan natin ang mga magagandang maidudulot nito sa ating pag-aaral. At kahit naman ikumpara natin sa ibang unibersidad ang ating magiging matrikula, mananatili pa rin tayong isa sa may pinakamurang matrikula sa Pilipinas.

Hannah Chastine V. Vergabera
BSA 1-26D

abe said...

abraham cuballes
bsa 1-26D


I believe that the tuition fee increase is unjust because most of the students in PUP are from poor families like farmers and small workers, and also numerous of them are unable to pay the higher cost of tuition fee that the administration of the PUP are imposing. I believe too, that the value of the money during 1979 compare this present year is really different and it is because of peso devaluation that already happened to us because of economic crisis that our country was facing ...but we can not blame those majority students that don't want tuition fee increase, for the reason that they can not afford expensive education even though the increase is only less than 200 pesos. I think it is really more than enough to pay, for those numerous students that were born unfortunate and poor........They always said that, "education is free and for all and it is one of the right of every students to afford education" but what is going on? I think it is really unreasonable and unjust.

Unknown said...

Mary Grace P.Castro
BSA I-25D


I admit I wasn't really aware of the PUP's background, until members of different organization inside the campus, discuss such matters. I am not really anti-tuition fee increase it’s just I felt that the increase is so extremely ahead. Imagine from 12 pesos to 200 pesos. But I think my assessment about the issue was inaccurate. I fail to consider the value of 12 pesos before compare to the current currency value considering such tuition has been existing since 1879.Although education necessity increase less fast than other commodities, the value of 12 pesos before is far lower now. What can you buy for such amount? A TM load for unlimited texting perhaps. The video analysis really helped me to take stand on the topic. The PUP, never had its tuition fee increase despite the market demands. The corresponding value of 12 pesos before would only cost a centavo at the present. This shows that we even have a tuition fee decline.
No doubt I believe that, it is reasonable for the PUP administration to impose tuition fee increase, after all we couldn't just depend on the government and compromise, quality education. We need comfortable and advance facilities to study efficiently. If we can make a way to have 100 pesos for load consumption then why can't we make it on our education? If we have that money for computer games why not use it for education? Think of it. Tuition fee increase would benefit the students. Don’t assume it a burden but rather a way of improvement towards a better learning.
Moreover, the activist must try to be open minded sometimes. Not everything is about shouting over there and destroying school facilities. Who suffers with broken chairs anyway?