Para sa akin, ang tuition fee increase hike sa pup ay makatarungan naman. Unang-una, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng karampatang budget para sa pup na makakatulong upang iimprove ang mga pasilidad at mapanatili ang malinis na kapaligiran nito. Ayon sa aking prof. sa philo, ang ibinibigay nalang ng gobyerno sa pup ay ang budget para sa pambayad sa sweldo ng mga guro. Kung gayon, paano matutustusan ng buong administrasyon ng pup ang lahat ng pangangailangan ng mga estudyante kung wala tayong sapat na pondo? kahit nga sa clinic lang ay wala ng mapangpondo para sa mga gamot. Alam ko na inaalala lang naman ng mga aktibista ang mga mahihirap na walang kakayahang magbayad ng ganito kalaking halaga ngunit hindi rin naman kasalanan ng administrasyon kung maghangad sila na maisaayos ang mga pasilidad sa pup upang maituring ito na tunay na unibersidad, isang unibersidad na may maayos at malinis na pasilidad. Kung hindi kasi ito mabibigyan ng aksyon, tuluyan ng masisira ang lahat ng gamit sa pup hangga't sa wala ng magamit ang mga estudyante. Maaari ring mawalan ng mga guro ang pup dahil sa mababang pasahod. Kung ito man ay maganap, masasabi kong mawawalan na ng kwenta ang pag-aaral sa pup.
Bilang estudyante ng PUP ako naman po ay sumasang-ayon sa pagtataas ng matrikula; iyon ay kung matutugunan lahat ang pangangailangan naming mga mag-aaral sa loob ng kolehiyo. Dapat na maitaas pa ang kalidad ng edukasyon naming mga estudyante at ayusing mabuti ang mga pasilidad ng paaralan. Masyado ng kapansin-pansin ang kakulangan ng mga mahahalagang bagay sa paaralang ito tulad ng mga gamot sa klinika, sanitasyon ng mga palikuran, mga sira-sirang kagamitan at pasilidad, at marami pang iba. Ang mga aktibistang mag-aaral ay dapat lang na mag-isip-isip ng pangkalahatang kapakanan at hindi ung pangsarili lamang. Sa parte naman ng administrasyon ng PUP, hiling ko lang na kung tataasan ang matrikula ay maging makatarungan naman sana ng naaayon sa kakayanan ng mga nagpapaaral sa amin.
sumasangayon ako sa pagtaas ng matrikula.. upang matugunan ang pangangailangan ng paaralan tulad nalang sa mga pasilidad ng silid aralan, palikuran at pati na rin ang suweldo ng mga nagtatrabaho rito.. ngunit sa 200 pesos per unit ay hindi. oo kung pagbabasehan sa taon na di tumaas ang tuition ay nararapat ito. ngunit sa estado ng buhay ng mga magaaral ay lubhang mali ito. isipin natin na kung sa 12 pesos per unit palang eh nagkakanda hirap-hirap ng makapagaral ang mga magaaral eh pano pa kung 200 na.. sana isipin din nila na kung magtataas sila ay ibase nila sa nakararami, iyon ay ang mga estudyanteng salat sa yaman.. kahit na ung mga bagong estudyante lang ang makakaranas nito marami pa din ang maapektuhan, mas tatas ang rate ng mga batang di makakapagtapos ng pagaaral.. ang pup na nga lang ang tangi nilang pag-asa upang makapagtapos ng kursong nais nila ipagkakait pa ba natin ito.. sana maisip nila iyon..
sa mga aktibista naman ung pamamaraan nila ay mali dahil kasi masyado itong bayolente.. maraming pasilidad ang nasira.. sana sa mapayapang paraan nila ito ginawa.. Ang naging imahe natin sa mga tao napasama, nagbigay ito ng kaisipan sakanila na lahat tayo ay aktibista..
Sana bago tayo kumilos isipin muna natin ang magiging resulta nito at ang kapakanan ng nakararami..
I've been studying in PUP for a year now, and i have seen the essential of increasing the tuition fee.
Poor sanity, vandalized walls, not enough chairs and ventilation - these are what I've noticed for staying in PUP for almost a year. For these problems to be resolved higher budget are needed. In view of that, agree in the increase of tuition fee, nonetheless the increase shouldn't be that big. We know that PUP isn't a private school, and for that not all incoming freshmen can afford to such high increase in tuition fee. I suppose that P200 per unit from P12 is too much. The school, I suggest,to increase the fee little by little, say every three years.
In order to have good quality education, I presume, needs a good teacher. For that to happen, the school needs to maintain the teachers who have surpassed and been in their field for a long time, and to that they have to give them satisfactory wages. Once again, increase in tuition fee would be an answer.
On the other side, there were people who totally disagree in the proposal - the activists. They rallied. They burned some chairs. They have distracted several students. Cutting it short, they have cause great damages. It is given that they yearn for no increase in tuition fee, yet their means to be heard is excessive. Thus, a no to what they did.
Hindi naman lingid sa ating kaalaman o kamalayan ang mga problema o isyung pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan ng ating eskwelahan . Ilang araw napagpiyestahan sa mga pahayagan , telebisyon , radyo , iba’t ibang website atbp. Ilang araw napasali sa mga usap-usapan at nahusgahan. Ang mga iyon ay ilan lamang sa mga maaaring palatandaan na hindi maganda ang umiiral na sistema o kaya nama’y hindi nagagampanan ng batas ( batas kuno para sa kabutihan ng mga mamamayan partikular na ang mga mag-aaral) ang paglaan ng karapat-dapat at makatwirang badyet para sa mga state universities gaya na lamang ng PUP.
Kung magbabase sa mga kasalukuyang nakikita at nararanasan ko , isama na rin ang praktikalidad , makatwiran ang pagtataas ng matrikula KUNG naging kabahagi sana ang komunidad ng mga estudyante na direktang maapektuhan sa desisyong ito. Makatwiran din sana kung hindi naman biglaan ang increase na 200!. (Aminin na , masakit naman talaga sa bulsa. At kung ang salag ng iba ay ayos lang iyon dahil para sa eskwelahan naman , hindi rin kasi tandaan,MAGKAKAIBA tayo - magkakaiba ng tahanan , magulang , trabaho ng magulang , PARAAN AT PINAGKUKUNAN NG IKABUBUHAY atbp… Sana’y naintindihan^^)
Bagamat maganda ang layuning hindi magtaas ng matrikula , para na rin sa mga estudyanteng maaaring hindi na makapagpatuloy pa ,hindi rin naman ako sumasang-ayon sa pamamaraan na ginamit at patuloy na ginagamit ng mga aktibista. Pinagtatapon ang mga kagamitan ng paaralan , sinira at sinunog. Nakakaloko lang kasi, kulang na nga , nagawa pa ang mga ganitong bagay .Hindi pa nakuntento sa mga bonggang nakakainis na pagdudumi sa mga pader atbp…Kung iyon na ang pinakamabisa at pinakamatino nilang naisip na paraan, aba’y,mabisa nga. Ah uhm naman.
Bagamat nasa unang taon pa lamang ako sa unibersidad na ito , bakas na bakas sa kaawa-awa nitong kalagayan ang matagal ng pagiging bulag , bingi , baldado o bonggang pagkamanhid ng pamahalaan sa mga iba’t iba nitong pangangailangan.
Kung maging sagot man ang pagtaas ng matrikula upang mapunan ang mga kakulangan , maaari rin namang mawalan ito ng halaga kung marami naman ang hindi na makakapag-aral pa.
Pero... Kasi... HIGHER PUP BUDGET talaga . Iyon ay kung magkaroon pa ng pagkakataong maging HIGHER din ang awareness at concern ng pamahalaan para sa ating edukasyon na ipinangako nilang may SUPORTANG ILALAAN.
Makatwiran kung maayos na napag-usapan at bumase rin sa mga dapat pagbasehan.
Para sa akin, mas nangingibabaw sa'kin yung hindi pag-sang ayon.. Pero sang-ayon din naman ako dito. Ang gulo no? Eexplain ko ang bawat isa.
Una, hindi ako sang ayon kasi mostly ng population ng mga taga-PuP ay mahihirap.. May mga estudyante pa ngang pumapasok lang na sakto ang pera sa bung araw o minsan pa nga wala pa pero pinipilit pa din nilang mag-aral kasi mura lang ung tuition kahit di na sila masyadong makakain.. Maswerte na kung may sobra sa baon nila. Iilan lang naman siguro yung may ganyang sitwasyon sa school.. Hindi naman kamii mahirap, may-kaya naman kami sa buhay.. Kung tutuusin ok lang ngang magtaas kasi para sa ikabubuti din naman yun ng school.. Ang akin lang naman, hindi ko tinitingnan ung sariling kagustuhan ko o ang estado ko sa buhay.. Tinitingnan ko din kung anu ung pangkalahatang sitwasyon ng mga estudyante sa school.. Hindi ba't pag nagtaas ng tuition ang PuP ay maraming maaapektuhan? Maraming pamilya ngayon na ipinapasok ang anak sa PuP kasi mura dito compare to other schools.. Para sa'kin lang, sana tinitingnan din ng Admin ung sitwasyon ng mga studyante ng school. Kung tutuusin, pede naman natin ipaglaban ung pagtaas ng budget ng PuP. Kung ang UP nga na mas mataas ang budget sa'tin, hindi ba tayo pde magtaas? Kasi sila mataas na tuition fee nila 'di ba? May pandagdag sila sa budget nila. Eh tayo? wala na ngang pinagkukunan ng budget sa PuP, mababa pa ang budget. Wag sana magtaas ng tuition kc maraming estudyanteng nagta-tiyaga na lang sa mga maiinit na classrooms na walang electric fan para lang makatapos ng pag-aaral. Hindi makatarungan ung sa iba kong mga kamag-aral kaya hindi ko rin sila masisisi kung ba't nagwewelga sila. Ang hirap na kasi ng buhay ngayon.. Sang-ayon ako sa ipinaglalaban nila pero hindi ako sang-ayon sa paraan ng pagpapakita nilang ayaw nila magtaas.
Pangalawa, sang-ayon ako sa pagtaas.. Para na rin maayos na ung mga facilities ng school. Para magkaroon ng maayos na ventilation, maayos at tamang bilang ng upuan ng mga estudyante bawat clasroom, ung mga sulat sulat sa pader at lalong lalo na ung mga cubicles ng Comfort Rooms (Sana magkaroon na ng tubig!). Tulad nga ng sinabi sa'min ng Philo prof nmin, P180+ na dpt ung per unit natin kung titingnan ang halaga ng pera ngayon. Ang P12 per unit natin ang tinatag pa noon kung kailan mababa pa ang halaga ng pera. Isa pa, ung library natin, hindi din nmana ganon ka-ayos. Hindi naman ganon ka-accesible kasi ma mgalibrong wala. Ganun din ang Clinic natin, walang sapat na pambili ng gamot dahil kulang sa budget. Pati ang mga sahod ng mga teachers, janitors, atbp.
Yun lang naman.. Medyo napahaba na ata.. hehehe.. ^^
P.S. Ma'am! di po ako aktibista haaaa.. Normal student lang ako sa PUP..
Well, in my opinion, the proposed tuition fee increase in PUP is 'resonable'. Im saying this not because i will not be affected by it, in case it will be approved nor because i'm a scholar, but because i could see our school's need for it. Most students have been complaining about the poor facilities of our school and been blaming the corrupt system of our government but have they realized how small the fee they're paying to demand such? Sa panahon natin ngayon, halos lahat na ata ay naataasan na, ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin ang mababang matrikula sa ating unibersidad. Maging ang iba't ibang materyales na kailangan ng ating paaralan sa pag-aayos nito ay hindi na rin biro ang presyo, kaya paanong magaganap ang ninanais nating kaayusan kung walang sapat na pondo dito? Siguro naman ay sapat na ang haba ng panahong pananatiling mababa ng ating matrikula. Maaaring panahon na rin upang sumabay din ito sa takbo ng panahon natin ngayon. That is, if we are really aiming here for "academic excellence".
Sa patuloy ng pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pang araw-araw na pamumuhay, hindi maikakaila na patuloy na rin ang pagdami ng mga mahihirap sa ating bansa. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang hindi nkakapagaral o nkakaabot sa kolehiyo.
PUP, isang unibersidad na may magandang imahe para sa mga estudyanteng namimili kung saan sila mag-aaral. Sa patuloy na pagdaan ng taon ay patuloy rin ang pagdami ng populasyon sa unibersidad, at isang malaking pagtataka kung paano nga ba napagkakasya ng admin ang sustento na galing sa pamahalaan at sa mga estudyante sa napakaraming taon na. Ngayon, naisip na ipatupad ng admin ang pagtataas ng tuition sa halagang 200php/unit, na napakalayo ng agwat sa dati nitong halaga, dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng budget ng pamahalaan na nilalaan para sa mga state universities ay hindi ito sumasapat sa pangangailangan ng unibersidad, estudyante, mga guro, janitor at iba pang tao na parte ng unibersidad. Makatarungan ang pagtaas ng tuition fee kung ikukumpara ang halaga nito sa nakaraan, hindi naman makatarungan dahil karamihan sa nag-aaral sa unibersidad ay pawang hindi marangya ang pamumuhay, na masasabing hindi maa-fford ang tuition fee increase. Ngunit hindi ba biglaan at sobra ang hinihinging ito ng administrasyon sa mga estudyante?kung magtataas nga ba ng tuition fee ay masisigurado ba ang kaayusan na inaasahan ng lahat?
Sa panig ng mga iskolar ng bayan na nakipaglaban para sa kapakanan ng lahat, nakakatuwang isipin na mayroon pa rin iilan na estudyante ang nakikipaglaban para sa karapatan ng lahat, na hindi sumasang-ayon sa pagtaas ng tuition fee. Hindi maikakaila na mali ang paraan ng kanilang pagpapahayag ng mga saloobin. Lalo pa dumami ang problema nang sirain ng mga aktibista ang iilang gamit sa unibersidad. Hindi mo rin masisisi ang mga kabataan na ito dahil hindi naman sila papakinggan ng administrasyon kung idadaan sa isang matinong usapan. Isang pagkilos na masasabing isang tagumpay para sa mga tunay na iskolar ng bayan, nakamit nila ang kanilang ipinaglaban. Paano na ang mga sinirang gamit ng mga aktibista? May pagbabago pa bang magaganap sa unibersidad o mananatili ang maraming problema sa pasilidad?ano na lang ba ang PUP sa mga susunod pang taon?
Maganda ang hangarin ng dalawa, ngunit masasabing mayroong mali sa pamamaraan para makamit ang kanilang naisin. Hindi ba dapat na ang pamahalaan ang tumutustos sa kung anong pangangailangan ng unibersidad at hindi dapat manggaling pang 'MULI' sa bulsa ng ating mga magulang? maraming bagay ang dapat i-consider bago gumawa ng hakbang o pagkilos sa kinakaharap na mga problema ng ating sintang unibersidad.
DALIDA, LANDRICA I. BSA I-16D Sa aking paniniwala, ang pagtaas ng matrikula ay may magandang idudulot kung saan ang mga estudyante rin ang makikinabang. Ang pagtaas na ito ay hindi ko hinahadlangan kung ilalaan nga ito para sa EDUKASYON at makatarungan naman ang panukalang ito base sa mga pag-aaral, mahigit 30 taon nang php12 ang matrikula mula pa noong 1979 na kung sa kasalukuyang 2010 ay 79 centavos lamang ang halaga. Kung aanalisahin mo, napakaliit na nga ng halagang ito kumpara noong 1979 kasi magkaiba naman ang halaga o value ng piso noon sa ngayon. Wala nang mararating ang 79 centavos sa panahong ito kung para sa edukasyon na aspeto.
Marami na tayong narinig na kuwento tungkol sa mga guro na pumupunta sa ibang bansa upang doon makipagsapalaran dahil sa mataas na pasahod na meron doon. Sa PUP, iilan na lamang ang mga nagtitiyaga sa kakaunting sahod na tinatanggap ng mga guro. Ang mga batikan o iyong marami nang karanasan sa pagtuturo ay nagsisialisan na, na siyang gumagabay sa mga baguhang guro. Paano pa makakatanggap si isko ng isang dekalidad na edukasyon kung mga guro na lamang na walang malawak na karanasan at kaalaman sa pagtuturo ang matitira dito?nakakatakot naman isipin na pagdating ng araw isa na lamang na sertipiko ang kailangan ng mga estudyante at hindi na ang tunay na esensya ng edukasyon. Sa pamamagitan ng pagtaas ng matrikula kahit papaano matutulungan nito na mapataas ang suweldo ng mga guro. kapag sapat, mas ganado magturo ang mga guro.
Batid na rin naman natin na nahuhuli na tayo sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Ang mga pasilidad, palikuran at bentilasyon ay hindi maayos na nakahahadlang sa mga mag-aaral. Sa matrikula kukunin ang pondo para sa pagpapaayos nito. Pero dahil hindi natuloy ang pagtaas, wala tayong maaasahan. Huwag tayong umasa na sa bawat silid ay may kumpleto at maayos na upuan, may electric fan at mga ilaw na gumagana. Mga problema na kinahaharap ng paaralan na kapag nabigyan ng solusyon ay makatutulong sa pag-angat ng antas ng edukasyon.
Kailangan tingnan din natin yung aspeto ng kabutihan na maidudulot ng panukala. May punto rin ang mga aktibista na hindi dapat ipasa sa mga estudyante ang mga gastusin doon kundi sa gobyerno. Pero minsan kinakailangan din nating gumawa ng aksyon hindi lamang puro asa sa gobyerno. Alam ko na mabigat ang php200 kada yunit sa panahong ito pero kung ang katumbas naman nito ay maayos at dekalidad na edukasyon hindi ba’t sulit na rin?
kung maisakatuparan ang pagtaas, sana gamitin nga ito sa tama. opinyon ko lang ito...

Bilang isang PUPian mahirap at nakakagulat isipin na sa napakitang pagbibigay opinyon at impormasyon ni prof.Winnie ako ay lubos na sumasang ayon. Matindi kong sinasang ayunan na dahil sa maling desisyon ng mga may kapangyarihan ay nababahiran ang pangalan ng eskwelahan ng samu't saring isyu. Ito rin ay maaring naging isa sa mga dahilan kung bakit nagkakalabuan ang admin at ang mga estudyante. Siguradong kung naging regular lamang ang pag apruba ng increase sa tuition simula ng mga nakaraang taon edi sana hndi nakakagulat ang P200.00 per unit na inaasam ng paaralan. kung naging mahusay lang sanang na bigyang pansin ang lahat na balak ng tuition fee increase edi hindi magiging negatibo ang labas ng isyung ito. kung sana ay naging bukas at tama ang pag dedesisyon ng may kapangyarihan edi sana walang nagkakagulo, mataimtyim at matahimik sana ang ating paaralan. at kung sana ay binigyang importansya ang pagbibigay impormasyon kung bakit naghahangad ng mataas na tuition edi sana nagkaroon ng posibilidad na makapag aral ang mga estudyante at makapagtrabaho ang mga guro at ibang tao sa PUP ng tahimik at mapayapa.
para sa akin, ang tuition fee increase ay makatarungan. una sa lahat matagal ng panahon ang P12 per unit ng pup. pangalawa iba ang ekonomiya ng pilipinas noon at sa ngayon. at kung ating titignan nararapat lamang na gawin ito sapagkat nangangailangan ng dagdag na pondo ang PUP upang matustusan ang mga kailangan ng mga guro, estudyante nito, at iba pa. nararapat lang na magkaroon na ng tiution fee increase sa PUP ngunit ang sa akin lamang ay huwag sobra-sobra at dapat eksakto lang dagdag na kaya ng isang tipikal na pamilya.
para sakin kahit na sabihing reasonable ang nasabing tuition increase, hindi parin dapat ito maaprubahan.napakaraming estudyante ang nagaaral sa PUP dahil sa kadahilanang ang matrikula ay abot kaya.karamihan sa kanilang mga magulang ay walang trabaho upang mapagkunan ng pera para sa ikabubuhay ng pamilya.maraming magaaral ang umaasa na makakatapos sila ng kolehiyo at makapagtrabaho upang maiahon sa kaharipan ang kanilang pamilya at makaranas naman kahit konting ginhawa. kung patuloy na ipatutupad ang pagtaas ng matrikula, paano na ang mga magaaral?magiging tambay na lng ba sila dahil walang pampaaral? tao lang din ang mga magaaral na ito, may mga pinansyal na hangganan din. di pinupulot ng kanilang mga magulang ang salaping ginugugol nila para makapagtapos ang kanilang mga anak kundi pinaghihirapan. kung magpapatuloy ito, nakikita ko ang hinaharap na ang karamihan ay di sapat ang kaalaman, di nakatapos ng kolehiyo, walang trabaho at KAHIRAPAN..
para sa akin, sumasangayon din ako sa tuition fee increase dahil makabubuti din ito sa paaralan na isa rin naman ako sa mga makikinabang.kung makikita naman natin hindi talaga maayos ang mga facilities sa pup dahil na rin siguro sa mababang budget na ibinibigay ng gobyerno kaya hindi napapalitan o naiimprove ang mga facilities.
kaya kung magkakaroon man ng tuition fee increase, makatutulong ito para sa paaralan. Ngunit kailangan din nilang isaalang-alang ang mga estudyanteng kapus-palad na walang kakayahan magbayad ng mataas na matrikula.kung magtataas man sila ng tuition ay dapat ung sapat lang sa budget na pagpapaganda ng eskwelahan,at maging sa benepisyo ng mga guro at iba pang empleyado.
Isa sa mga bagay na napakahalaga sa ating panahon ay ang mapanatili ang kalidad ng edukasyon, lalo na't ongoing ang pagtaas ng demand ng mga makabagong trabaho at teknolohiya sa ating bansa at lalo na sa buong mundo.
kaya sa aking pananaw lamang, nararapat lamang na itaas ang tuition fee disregarding the fact na noon pa man, naging prinsipyo na ng mga PUPians ang mababang tuition fee, ngunit kailangan malaman ng bawat estudyante na as part of a new era, or we might as call it, the new era of technology,alam naman natin na technology means expenses, and I mean great expenses.
At kung gayon nga ang mangyayari, naniniwala naman ako na lalo pang paghuhusayan ng ating mga propesor at propesora ang kanilang pagtuturo lalo na sa mga subjects ng mga estudyante sa engineering, accounting at iba pang course na sadyang necessity sa ating panahon.
ang increase na ito ay nangangahulugan lamang na tataas na din ang pondo at maaring sweldo din ng ating mga guro at propesor. kailangan na rin siguro nating tanggapin ang demand na ito para sa kinabukasan natin at ng ating paaralan.
I guess the increase in the tuition fee in our university will just be a burdened to the students concerned . We all know that our university is for those who are financially incapacitated.They do their best just to be in this university not just because of good quality education but also because of the low tuition fee. The increase in the tuition fee that will improve our university is still quite wrong to be carried by those students. "Iskolar din naman sila ng bayan" so they also have the right to have a low tuition fee na matagal ng ipinapagtanggol ng mga aktibista.Pinopondohan tayo ng gobyerno para makapag-aral at makapagtapos tayo, pero huwag naman natin silang masyadong inaapura dahil hindi lang namn tayo ang pinopondohan nila. i, myself they say will not be affected by that increase but i think and i feel that sooner or later I'll be affected by that!!! But thanks God ,it isnt approved,yet?
para sa akin ok lang sana yung tuition fee increase, in a sense na unti untiin nila di yung biglaan,,,hope maisip rin ng admin yung kalagayan naming mga estudyante,,ok kame sa improvement go kame jan,pero sa biglaang pagtaas ng tuition fee im not sure.. hope maayos na lahat..
kung ang pagbabasehan ay ang naging pahayag at ang mga pinakita ni prof. winnie monsod maaaring sumang-ayon ako ngunit kung iisipin natin ang pup na lamang ang tanging kumukupkop sa mga anak ng maralita hindi naman gaano kalaki yung mga sweldo at sila rin mismo ay nanghihingi ng dagdag sa kanilang mga sweldo at isa pa ang pup ay isang state university na marapat lamang na sinusubsidized ng gobyerno, palaging sinasabi ng mga aktibista sa tuwing magpupunta sila sa mga klase at nakasaad na rin mismo sa batas na dapat nilalaan sa edukasyon yung pinakamataas na badyet kung sana nasusunod yung batas na yun di bat sana di na kailangan pang magtaas ng matrikula. pagdating naman sa ating pamantasan di bat sana inuuna muna yung mga pasilidad at batayang pangangailangan ng mga mag-aaral bago yung pagpapaganda ng mga bagay na di naman nakakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa ating pamantasan. kaya masasabi kong hindi makatuwiran ang pagtataas ng matrikula ang makatuwiran ay ang pagkakaroon ng mataas na budget sa edukasyon.
well sakin, hindi sa hindi ako sang ayon sa increase its just na hindi nmn lht cguro kayang makapagenroll ng 200 per unit. pup na nga lang university for those people in POverty. and ung pagtaas nmn kc parang nakakashock na from 12-200! in the 1st place we enrolled in PUP because Pup is the only university na may 12per unit!
i know nmn na mula sa pagtaas na ito ay mas maganda at mas maayos na PUP na haharap sa atin! kc for sure the money will be for the benefit of the university kc tumatanda na din mga facilities and ung buildings! at nagiging discomfort for the students un na nakakaapekto sa pagkatuto! at xmpre tayo ding mga estudyante makikinabang. pero kung dahil na din sa pagtaas na ito ay marami ang hindi makakapagaral dahil hindi kaya ng budget. eh mas magandang wag na magtaas or magtaas pero wag nmn over na 200 agad.
MAY estudyante ngang nagtanong sa room nmen na "ang cellphone ba ay need or want?" tapos he ansered "a cellphone is a need but the unit of the cellphone is what makes it a want"
para sa akin, ang tuition fee increase any makatarungan at nararapat naman sa tagal ng panahon na hindi nagpapalit ng per unit ang PUP. masasabing ang pagtataas ng tuition sa pup ay sanhi ng mga pasilidad na gustong ipaayos. gusto nila na gumanda ang pamantasan ng sa gayon ay mas maging kaaya aya para sa atin mga kamag-aral ang pag-aaral. gusto nila na mabigayan tayo ng de kalidad na edukasyon. tungo sa pagkahubog natin bilang isang marangal na tao. magiging marangal ba ang paghagis ng upuan mula sa itaas. kahit na sabihin pa nila na mga sirang pasilidad na iyon. pero ang punto dito ay ang kagandahang asal na dapat magkaroon tayo. doon naman sa administration ng PUP. mahalagang magkaroon ng mataas na pondo para sa pag-aayos ng pondo. pero hindi din ako sang ayon sa 1700% increase. na napakalaki ng nilaki mula sa 12 pesos per unit ay nging 200pesos. pabor aq sa pagtaas ng matrikula pero hindi aman karapat dapat na ganung kalaki ang itaas ng tuition. sana ay ginawa nlng muna nila na 50pesos or 75 pesos. marami rin naman ang estudyante ng PUP at khit hnd kagaya ng 200 pesos ay makakalikom parin ng pondo pra sa pagpapaayos ng pasilidad.
its been a while since my tita discussed this to me, sinabe niya na sa hirap daw ng buhay ngayon, wala nga daw talgang mura, so it is a must also na even a public university like pup will demand a higher tuition fee, which is true naman, it is a but correct na magtaas ng matrikula, pero sana unti untiin, sana lang, kase tayong mga estudyante ang mahihirapan,,, ] johnson ramiscal\ bsa 1-25 d
Tuition fee increase in PUP affects the rights of the students to study. But if the University would have better quality education by doing this, there will be no problem for me about that. because, we all know that it would be for the sake of the students..It may be okay if this twelve pesos per unit would have become thirteen pesos per unit because still it is affordable.But two hundred pesos per unit is very questionable. I think that is too oppressive to us. We all know that Polytechnic University of the Philippines is a state University and many students decided to enroll and study in this University because of its low tuition fee and high quality education. There are many students loose their interests to continue their studies because they do not have enough money to support themselves. Maybe they have parents/guardians to give them support when it comes to financial matters. And so, they could study well because of low tuition fee that is affordable. BUT, if this affordable tuition fee would become twelve pesos per unit plus a possible increase of miscellaneous fees, I don't think if the number of the students studying in this University would increase also. I guess the long-term goal aimed by many students would become "bubbles" that anytime may disappear.
As a student, sumasang-ayon naman ako sa pagtaas ng matrikula dahil alam kong gagamitin ang lahat ng ito sa TAMA - para na rin maisaayos na ang FACILITIES ng University...
Ang malaking katanungan lamang na bumabagabag sa isipan ng mga mag-aaral ay ang biglaang pagtaas nito ng may kalakihan- twelve pesos, naging two hundred pesos per unit.
Wala na naman akong magagawa kung maisakatuparan ang TUITION FEE INCREASE...Dahil alam kong matalino ang administrasyon ng PUP..
23 comments:
Chrizerel N.Viray
BSA 1-16D
Para sa akin, ang tuition fee increase hike sa pup ay makatarungan naman. Unang-una, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng karampatang budget para sa pup na makakatulong upang iimprove ang mga pasilidad at mapanatili ang malinis na kapaligiran nito. Ayon sa aking prof. sa philo, ang ibinibigay nalang ng gobyerno sa pup ay ang budget para sa pambayad sa sweldo ng mga guro. Kung gayon, paano matutustusan ng buong administrasyon ng pup ang lahat ng pangangailangan ng mga estudyante kung wala tayong sapat na pondo?
kahit nga sa clinic lang ay wala ng mapangpondo para sa mga gamot. Alam ko na inaalala lang naman ng mga aktibista ang mga mahihirap na walang kakayahang magbayad ng ganito kalaking halaga ngunit hindi rin naman kasalanan ng administrasyon kung maghangad sila na maisaayos ang mga pasilidad sa pup upang maituring ito na tunay na unibersidad, isang unibersidad na may maayos at malinis na pasilidad. Kung hindi kasi ito mabibigyan ng aksyon, tuluyan ng masisira ang lahat ng gamit sa pup hangga't sa wala ng magamit ang mga estudyante. Maaari ring mawalan ng mga guro ang pup dahil sa mababang pasahod. Kung ito man ay maganap, masasabi kong mawawalan na ng kwenta ang pag-aaral sa pup.
Trisha Dy R. EmpeƱo
BSA 1-16D
Bilang estudyante ng PUP ako naman po ay sumasang-ayon sa pagtataas ng matrikula; iyon ay kung matutugunan lahat ang pangangailangan naming mga mag-aaral sa loob ng kolehiyo. Dapat na maitaas pa ang kalidad ng edukasyon naming mga estudyante at ayusing mabuti ang mga pasilidad ng paaralan. Masyado ng kapansin-pansin ang kakulangan ng mga mahahalagang bagay sa paaralang ito tulad ng mga gamot sa klinika, sanitasyon ng mga palikuran, mga sira-sirang kagamitan at pasilidad, at marami pang iba. Ang mga aktibistang mag-aaral ay dapat lang na mag-isip-isip ng pangkalahatang kapakanan at hindi ung pangsarili lamang. Sa parte naman ng administrasyon ng PUP, hiling ko lang na kung tataasan ang matrikula ay maging makatarungan naman sana ng naaayon sa kakayanan ng mga nagpapaaral sa amin.
tuition fee hike?
sumasangayon ako sa pagtaas ng matrikula.. upang matugunan ang pangangailangan ng paaralan tulad nalang sa mga pasilidad ng silid aralan, palikuran at pati na rin ang suweldo ng mga nagtatrabaho rito.. ngunit sa 200 pesos per unit ay hindi. oo kung pagbabasehan sa taon na di tumaas ang tuition ay nararapat ito. ngunit sa estado ng buhay ng mga magaaral ay lubhang mali ito. isipin natin na kung sa 12 pesos per unit palang eh nagkakanda hirap-hirap ng makapagaral ang mga magaaral eh pano pa kung 200 na.. sana isipin din nila na kung magtataas sila ay ibase nila sa nakararami, iyon ay ang mga estudyanteng salat sa yaman.. kahit na ung mga bagong estudyante lang ang makakaranas nito marami pa din ang maapektuhan, mas tatas ang rate ng mga batang di makakapagtapos ng pagaaral.. ang pup na nga lang ang tangi nilang pag-asa upang makapagtapos ng kursong nais nila ipagkakait pa ba natin ito.. sana maisip nila iyon..
sa mga aktibista naman ung pamamaraan nila ay mali dahil kasi masyado itong bayolente.. maraming pasilidad ang nasira.. sana sa mapayapang paraan nila ito ginawa.. Ang naging imahe natin sa mga tao napasama, nagbigay ito ng kaisipan sakanila na lahat tayo ay aktibista..
Sana bago tayo kumilos isipin muna natin ang magiging resulta nito at ang kapakanan ng nakararami..
Keena B. Bartolini
BSA 1-16D
April 15, 2010 4:44 AM
I've been studying in PUP for a year now, and i have seen the essential of increasing the tuition fee.
Poor sanity, vandalized walls, not enough chairs and ventilation - these are what I've noticed for staying in PUP for almost a year. For these problems to be resolved higher budget are needed. In view of that, agree in the increase of tuition fee, nonetheless the increase shouldn't be that big. We know that PUP isn't a private school, and for that not all incoming freshmen can afford to such high increase in tuition fee. I suppose that P200 per unit from P12 is too much. The school, I suggest,to increase the fee little by little, say every three years.
In order to have good quality education, I presume, needs a good teacher. For that to happen, the school needs to maintain the teachers who have surpassed and been in their field for a long time, and to that they have to give them satisfactory wages. Once again, increase in tuition fee would be an answer.
On the other side, there were people who totally disagree in the proposal - the activists. They rallied. They burned some chairs. They have distracted several students. Cutting it short, they have cause great damages. It is given that they yearn for no increase in tuition fee, yet their means to be heard is excessive. Thus, a no to what they did.
-- Kho, Kirstie D.
BSA 1-16D
Hindi naman lingid sa ating kaalaman o kamalayan ang mga problema o isyung pinagdaanan at patuloy na pinagdadaanan ng ating eskwelahan . Ilang araw napagpiyestahan sa mga pahayagan , telebisyon , radyo , iba’t ibang website atbp. Ilang araw napasali sa mga usap-usapan at nahusgahan. Ang mga iyon ay ilan lamang sa mga maaaring palatandaan na hindi maganda ang umiiral na sistema o kaya nama’y hindi nagagampanan ng batas ( batas kuno para sa kabutihan ng mga mamamayan partikular na ang mga mag-aaral) ang paglaan ng karapat-dapat at makatwirang badyet para sa mga state universities gaya na lamang ng PUP.
Kung magbabase sa mga kasalukuyang nakikita at nararanasan ko , isama na rin ang praktikalidad , makatwiran ang pagtataas ng matrikula KUNG naging kabahagi sana ang komunidad ng mga estudyante na direktang maapektuhan sa desisyong ito. Makatwiran din sana kung hindi naman biglaan ang increase na 200!. (Aminin na , masakit naman talaga sa bulsa. At kung ang salag ng iba ay ayos lang iyon dahil para sa eskwelahan naman , hindi rin kasi tandaan,MAGKAKAIBA tayo - magkakaiba ng tahanan , magulang , trabaho ng magulang , PARAAN AT PINAGKUKUNAN NG IKABUBUHAY atbp… Sana’y naintindihan^^)
Bagamat maganda ang layuning hindi magtaas ng matrikula , para na rin sa mga estudyanteng maaaring hindi na makapagpatuloy pa ,hindi rin naman ako sumasang-ayon sa pamamaraan na ginamit at patuloy na ginagamit ng mga aktibista. Pinagtatapon ang mga kagamitan ng paaralan , sinira at sinunog. Nakakaloko lang kasi, kulang na nga , nagawa pa ang mga ganitong bagay .Hindi pa nakuntento sa mga bonggang nakakainis na pagdudumi sa mga pader atbp…Kung iyon na ang pinakamabisa at pinakamatino nilang naisip na paraan, aba’y,mabisa nga. Ah uhm naman.
Bagamat nasa unang taon pa lamang ako sa unibersidad na ito , bakas na bakas sa kaawa-awa nitong kalagayan ang matagal ng pagiging bulag , bingi , baldado o bonggang pagkamanhid ng pamahalaan sa mga iba’t iba nitong pangangailangan.
Kung maging sagot man ang pagtaas ng matrikula upang mapunan ang mga kakulangan , maaari rin namang mawalan ito ng halaga kung marami naman ang hindi na makakapag-aral pa.
Pero... Kasi... HIGHER PUP BUDGET talaga . Iyon ay kung magkaroon pa ng pagkakataong maging HIGHER din ang awareness at concern ng pamahalaan
para sa ating edukasyon na ipinangako nilang may SUPORTANG ILALAAN.
Makatwiran kung maayos na napag-usapan at bumase rin sa mga dapat pagbasehan.
Baquilod , Rose Ann P.
BSA I-16D
Para sa akin, mas nangingibabaw sa'kin yung hindi pag-sang ayon.. Pero sang-ayon din naman ako dito. Ang gulo no? Eexplain ko ang bawat isa.
Una, hindi ako sang ayon kasi mostly ng population ng mga taga-PuP ay mahihirap.. May mga estudyante pa ngang pumapasok lang na sakto ang pera sa bung araw o minsan pa nga wala pa pero pinipilit pa din nilang mag-aral kasi mura lang ung tuition kahit di na sila masyadong makakain.. Maswerte na kung may sobra sa baon nila. Iilan lang naman siguro yung may ganyang sitwasyon sa school.. Hindi naman kamii mahirap, may-kaya naman kami sa buhay.. Kung tutuusin ok lang ngang magtaas kasi para sa ikabubuti din naman yun ng school.. Ang akin lang naman, hindi ko tinitingnan ung sariling kagustuhan ko o ang estado ko sa buhay.. Tinitingnan ko din kung anu ung pangkalahatang sitwasyon ng mga estudyante sa school.. Hindi ba't pag nagtaas ng tuition ang PuP ay maraming maaapektuhan?
Maraming pamilya ngayon na ipinapasok ang anak sa PuP kasi mura dito compare to other schools.. Para sa'kin lang, sana tinitingnan din ng Admin ung sitwasyon ng mga studyante ng school. Kung tutuusin, pede naman natin ipaglaban ung pagtaas ng budget ng PuP. Kung ang UP nga na mas mataas ang budget sa'tin, hindi ba tayo pde magtaas? Kasi sila mataas na tuition fee nila 'di ba? May pandagdag sila sa budget nila. Eh tayo? wala na ngang pinagkukunan ng budget sa PuP, mababa pa ang budget. Wag sana magtaas ng tuition kc maraming estudyanteng nagta-tiyaga na lang sa mga maiinit na classrooms na walang electric fan para lang makatapos ng pag-aaral. Hindi makatarungan ung sa iba kong mga kamag-aral kaya hindi ko rin sila masisisi kung ba't nagwewelga sila. Ang hirap na kasi ng buhay ngayon.. Sang-ayon ako sa ipinaglalaban nila pero hindi ako sang-ayon sa paraan ng pagpapakita nilang ayaw nila magtaas.
Pangalawa, sang-ayon ako sa pagtaas.. Para na rin maayos na ung mga facilities ng school. Para magkaroon ng maayos na ventilation, maayos at tamang bilang ng upuan ng mga estudyante bawat clasroom, ung mga sulat sulat sa pader at lalong lalo na ung mga cubicles ng Comfort Rooms (Sana magkaroon na ng tubig!).
Tulad nga ng sinabi sa'min ng Philo prof nmin, P180+ na dpt ung per unit natin kung titingnan ang halaga ng pera ngayon. Ang P12 per unit natin ang tinatag pa noon kung kailan mababa pa ang halaga ng pera.
Isa pa, ung library natin, hindi din nmana ganon ka-ayos. Hindi naman ganon ka-accesible kasi ma mgalibrong wala. Ganun din ang Clinic natin, walang sapat na pambili ng gamot dahil kulang sa budget. Pati ang mga sahod ng mga teachers, janitors, atbp.
Yun lang naman.. Medyo napahaba na ata.. hehehe.. ^^
P.S. Ma'am! di po ako aktibista haaaa.. Normal student lang ako sa PUP..
Mary Joy Lucena
BSA 1-16D
Well, in my opinion, the proposed tuition fee increase in PUP is 'resonable'. Im saying this not because i will not be affected by it, in case it will be approved nor because i'm a scholar, but because i could see our school's need for it. Most students have been complaining about the poor facilities of our school and been blaming the corrupt system of our government but have they realized how small the fee they're paying to demand such?
Sa panahon natin ngayon, halos lahat na ata ay naataasan na, ngunit sa kabila nito ay nananatili pa rin ang mababang matrikula sa ating unibersidad. Maging ang iba't ibang materyales na kailangan ng ating paaralan sa pag-aayos nito ay hindi na rin biro ang presyo, kaya paanong magaganap ang ninanais nating kaayusan kung walang sapat na pondo dito?
Siguro naman ay sapat na ang haba ng panahong pananatiling mababa ng ating matrikula. Maaaring panahon na rin upang sumabay din ito sa takbo ng panahon natin ngayon.
That is, if we are really aiming here for "academic excellence".
Ann Maureen G. Vicente
BSA 1-26
Sa patuloy ng pagtaas ng mga pangunahing pangangailangan ng tao sa pang araw-araw na pamumuhay, hindi maikakaila na patuloy na rin ang pagdami ng mga mahihirap sa ating bansa. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit marami ang hindi nkakapagaral o nkakaabot sa kolehiyo.
PUP, isang unibersidad na may magandang imahe para sa mga estudyanteng namimili kung saan sila mag-aaral. Sa patuloy na pagdaan ng taon ay patuloy rin ang pagdami ng populasyon sa unibersidad, at isang malaking pagtataka kung paano nga ba napagkakasya ng admin ang sustento na galing sa pamahalaan at sa mga estudyante sa napakaraming taon na. Ngayon, naisip na ipatupad ng admin ang pagtataas ng tuition sa halagang 200php/unit, na napakalayo ng agwat sa dati nitong halaga, dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng budget ng pamahalaan na nilalaan para sa mga state universities ay hindi ito sumasapat sa pangangailangan ng unibersidad, estudyante, mga guro, janitor at iba pang tao na parte ng unibersidad. Makatarungan ang pagtaas ng tuition fee kung ikukumpara ang halaga nito sa nakaraan, hindi naman makatarungan dahil karamihan sa nag-aaral sa unibersidad ay pawang hindi marangya ang pamumuhay, na masasabing hindi maa-fford ang tuition fee increase. Ngunit hindi ba biglaan at sobra ang hinihinging ito ng administrasyon sa mga estudyante?kung magtataas nga ba ng tuition fee ay masisigurado ba ang kaayusan na inaasahan ng lahat?
Sa panig ng mga iskolar ng bayan na nakipaglaban para sa kapakanan ng lahat, nakakatuwang isipin na mayroon pa rin iilan na estudyante ang nakikipaglaban para sa karapatan ng lahat, na hindi sumasang-ayon sa pagtaas ng tuition fee. Hindi maikakaila na mali ang paraan ng kanilang pagpapahayag ng mga saloobin. Lalo pa dumami ang problema nang sirain ng mga aktibista ang iilang gamit sa unibersidad. Hindi mo rin masisisi ang mga kabataan na ito dahil hindi naman sila papakinggan ng administrasyon kung idadaan sa isang matinong usapan. Isang pagkilos na masasabing isang tagumpay para sa mga tunay na iskolar ng bayan, nakamit nila ang kanilang ipinaglaban. Paano na ang mga sinirang gamit ng mga aktibista? May pagbabago pa bang magaganap sa unibersidad o mananatili ang maraming problema sa pasilidad?ano na lang ba ang PUP sa mga susunod pang taon?
Maganda ang hangarin ng dalawa, ngunit masasabing mayroong mali sa pamamaraan para makamit ang kanilang naisin. Hindi ba dapat na ang pamahalaan ang tumutustos sa kung anong pangangailangan ng unibersidad at hindi dapat manggaling pang 'MULI' sa bulsa ng ating mga magulang? maraming bagay ang dapat i-consider bago gumawa ng hakbang o pagkilos sa kinakaharap na mga problema ng ating sintang unibersidad.
Cruz, Airiz Camille Y.
BSA I-16D
DALIDA, LANDRICA I.
BSA I-16D
Sa aking paniniwala, ang pagtaas ng matrikula ay may magandang idudulot kung saan ang mga estudyante rin ang makikinabang. Ang pagtaas na ito ay hindi ko hinahadlangan kung ilalaan nga ito para sa EDUKASYON at makatarungan naman ang panukalang ito base sa mga pag-aaral, mahigit 30 taon nang php12 ang matrikula mula pa noong 1979 na kung sa kasalukuyang 2010 ay 79 centavos lamang ang halaga. Kung aanalisahin mo, napakaliit na nga ng halagang ito kumpara noong 1979 kasi magkaiba naman ang halaga o value ng piso noon sa ngayon. Wala nang mararating ang 79 centavos sa panahong ito kung para sa edukasyon na aspeto.
Marami na tayong narinig na kuwento tungkol sa mga guro na pumupunta sa ibang bansa upang doon makipagsapalaran dahil sa mataas na pasahod na meron doon. Sa PUP, iilan na lamang ang mga nagtitiyaga sa kakaunting sahod na tinatanggap ng mga guro. Ang mga batikan o iyong marami nang karanasan sa pagtuturo ay nagsisialisan na, na siyang gumagabay sa mga baguhang guro. Paano pa makakatanggap si isko ng isang dekalidad na edukasyon kung mga guro na lamang na walang malawak na karanasan at kaalaman sa pagtuturo ang matitira dito?nakakatakot naman isipin na pagdating ng araw isa na lamang na sertipiko ang kailangan ng mga estudyante at hindi na ang tunay na esensya ng edukasyon. Sa pamamagitan ng pagtaas ng matrikula kahit papaano matutulungan nito na mapataas ang suweldo ng mga guro. kapag sapat, mas ganado magturo ang mga guro.
Batid na rin naman natin na nahuhuli na tayo sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Ang mga pasilidad, palikuran at bentilasyon ay hindi maayos na nakahahadlang sa mga mag-aaral. Sa matrikula kukunin ang pondo para sa pagpapaayos nito. Pero dahil hindi natuloy ang pagtaas, wala tayong maaasahan. Huwag tayong umasa na sa bawat silid ay may kumpleto at maayos na upuan, may electric fan at mga ilaw na gumagana. Mga problema na kinahaharap ng paaralan na kapag nabigyan ng solusyon ay makatutulong sa pag-angat ng antas ng edukasyon.
Kailangan tingnan din natin yung aspeto ng kabutihan na maidudulot ng panukala. May punto rin ang mga aktibista na hindi dapat ipasa sa mga estudyante ang mga gastusin doon kundi sa gobyerno. Pero minsan kinakailangan din nating gumawa ng aksyon hindi lamang puro asa sa gobyerno. Alam ko na mabigat ang php200 kada yunit sa panahong ito pero kung ang katumbas naman nito ay maayos at dekalidad na edukasyon hindi ba’t sulit na rin?
kung maisakatuparan ang pagtaas, sana gamitin nga ito sa tama. opinyon ko lang ito...
DALIDA, LANDRICA I.
BSA I-16D
Sa aking paniniwala, ang pagtaas ng matrikula ay may magandang idudulot kung saan ang mga estudyante rin ang makikinabang. Ang pagtaas na ito ay hindi ko hinahadlangan kung ilalaan nga ito para sa EDUKASYON at makatarungan naman ang panukalang ito base sa mga pag-aaral, mahigit 30 taon nang php12 ang matrikula mula pa noong 1979 na kung sa kasalukuyang 2010 ay 79 centavos lamang ang halaga. Kung aanalisahin mo, napakaliit na nga ng halagang ito kumpara noong 1979 kasi magkaiba naman ang halaga o value ng piso noon sa ngayon. Wala nang mararating ang 79 centavos sa panahong ito kung para sa edukasyon na aspeto.
Marami na tayong narinig na kuwento tungkol sa mga guro na pumupunta sa ibang bansa upang doon makipagsapalaran dahil sa mataas na pasahod na meron doon. Sa PUP, iilan na lamang ang mga nagtitiyaga sa kakaunting sahod na tinatanggap ng mga guro. Ang mga batikan o iyong marami nang karanasan sa pagtuturo ay nagsisialisan na, na siyang gumagabay sa mga baguhang guro. Paano pa makakatanggap si isko ng isang dekalidad na edukasyon kung mga guro na lamang na walang malawak na karanasan at kaalaman sa pagtuturo ang matitira dito?nakakatakot naman isipin na pagdating ng araw isa na lamang na sertipiko ang kailangan ng mga estudyante at hindi na ang tunay na esensya ng edukasyon. Sa pamamagitan ng pagtaas ng matrikula kahit papaano matutulungan nito na mapataas ang suweldo ng mga guro. kapag sapat, mas ganado magturo ang mga guro.
Batid na rin naman natin na nahuhuli na tayo sa makabagong pamamaraan ng pagtuturo. Ang mga pasilidad, palikuran at bentilasyon ay hindi maayos na nakahahadlang sa mga mag-aaral. Sa matrikula kukunin ang pondo para sa pagpapaayos nito. Pero dahil hindi natuloy ang pagtaas, wala tayong maaasahan. Huwag tayong umasa na sa bawat silid ay may kumpleto at maayos na upuan, may electric fan at mga ilaw na gumagana. Mga problema na kinahaharap ng paaralan na kapag nabigyan ng solusyon ay makatutulong sa pag-angat ng antas ng edukasyon.
Kailangan tingnan din natin yung aspeto ng kabutihan na maidudulot ng panukala. May punto rin ang mga aktibista na hindi dapat ipasa sa mga estudyante ang mga gastusin doon kundi sa gobyerno. Pero minsan kinakailangan din nating gumawa ng aksyon hindi lamang puro asa sa gobyerno. Alam ko na mabigat ang php200 kada yunit sa panahong ito pero kung ang katumbas naman nito ay maayos at dekalidad na edukasyon hindi ba’t sulit na rin?
kung maisakatuparan ang pagtaas, sana gamitin nga ito sa tama. opinyon ko lang ito...
Bilang isang PUPian mahirap at nakakagulat isipin na sa napakitang pagbibigay opinyon at impormasyon ni prof.Winnie ako ay lubos na sumasang ayon. Matindi kong sinasang ayunan na dahil sa maling desisyon ng mga may kapangyarihan ay nababahiran ang pangalan ng eskwelahan ng samu't saring isyu. Ito rin ay maaring naging isa sa mga dahilan kung bakit nagkakalabuan ang admin at ang mga estudyante. Siguradong kung naging regular lamang ang pag apruba ng increase sa tuition simula ng mga nakaraang taon edi sana hndi nakakagulat ang P200.00 per unit na inaasam ng paaralan. kung naging mahusay lang sanang na bigyang pansin ang lahat na balak ng tuition fee increase edi hindi magiging negatibo ang labas ng isyung ito. kung sana ay naging bukas at tama ang pag dedesisyon ng may kapangyarihan edi sana walang nagkakagulo, mataimtyim at matahimik sana ang ating paaralan. at kung sana ay binigyang importansya ang pagbibigay impormasyon kung bakit naghahangad ng mataas na tuition edi sana nagkaroon ng posibilidad na makapag aral ang mga estudyante at makapagtrabaho ang mga guro at ibang tao sa PUP ng tahimik at mapayapa.
Manguiat,Dominique O.
BSA 1-16 D
Julian Kralo A. Pedeglorio
BSA 1-16D
para sa akin, ang tuition fee increase ay makatarungan. una sa lahat matagal ng panahon ang P12 per unit ng pup. pangalawa iba ang ekonomiya ng pilipinas noon at sa ngayon. at kung ating titignan nararapat lamang na gawin ito sapagkat nangangailangan ng dagdag na pondo ang PUP upang matustusan ang mga kailangan ng mga guro, estudyante nito, at iba pa. nararapat lang na magkaroon na ng tiution fee increase sa PUP ngunit ang sa akin lamang ay huwag sobra-sobra at dapat eksakto lang dagdag na kaya ng isang tipikal na pamilya.
para sakin kahit na sabihing reasonable ang nasabing tuition increase, hindi parin dapat ito maaprubahan.napakaraming estudyante ang nagaaral sa PUP dahil sa kadahilanang ang matrikula ay abot kaya.karamihan sa kanilang mga magulang ay walang trabaho upang mapagkunan ng pera para sa ikabubuhay ng pamilya.maraming magaaral ang umaasa na makakatapos sila ng kolehiyo at makapagtrabaho upang maiahon sa kaharipan ang kanilang pamilya at makaranas naman kahit konting ginhawa. kung patuloy na ipatutupad ang pagtaas ng matrikula, paano na ang mga magaaral?magiging tambay na lng ba sila dahil walang pampaaral? tao lang din ang mga magaaral na ito, may mga pinansyal na hangganan din. di pinupulot ng kanilang mga magulang ang salaping ginugugol nila para makapagtapos ang kanilang mga anak kundi pinaghihirapan. kung magpapatuloy ito, nakikita ko ang hinaharap na ang karamihan ay di sapat ang kaalaman, di nakatapos ng kolehiyo, walang trabaho at KAHIRAPAN..
BSA 1-26D
Romar De Jesus
para sa akin, sumasangayon din ako sa tuition fee increase dahil makabubuti din ito sa paaralan na isa rin naman ako sa mga makikinabang.kung makikita naman natin hindi talaga maayos ang mga facilities sa pup dahil na rin siguro sa mababang budget na ibinibigay ng gobyerno kaya hindi napapalitan o naiimprove ang mga facilities.
kaya kung magkakaroon man ng tuition fee increase, makatutulong ito para sa paaralan. Ngunit kailangan din nilang isaalang-alang ang mga estudyanteng kapus-palad na walang kakayahan magbayad ng mataas na matrikula.kung magtataas man sila ng tuition ay dapat ung sapat lang sa budget na pagpapaganda ng eskwelahan,at maging sa benepisyo ng mga guro at iba pang empleyado.
Urrutia, Arjay D.
BSA 1-25D
Isa sa mga bagay na napakahalaga sa ating panahon ay ang mapanatili ang kalidad ng edukasyon, lalo na't ongoing ang pagtaas ng demand ng mga makabagong trabaho at teknolohiya sa ating bansa at lalo na sa buong mundo.
kaya sa aking pananaw lamang, nararapat lamang na itaas ang tuition fee disregarding the fact na noon pa man, naging prinsipyo na ng mga PUPians ang mababang tuition fee, ngunit kailangan malaman ng bawat estudyante na as part of a new era, or we might as call it, the new era of technology,alam naman natin na technology means expenses, and I mean great expenses.
At kung gayon nga ang mangyayari, naniniwala naman ako na lalo pang paghuhusayan ng ating mga propesor at propesora ang kanilang pagtuturo lalo na sa mga subjects ng mga estudyante sa engineering, accounting at iba pang course na sadyang necessity sa ating panahon.
ang increase na ito ay nangangahulugan lamang na tataas na din ang pondo at maaring sweldo din ng ating mga guro at propesor. kailangan na rin siguro nating tanggapin ang demand na ito para sa kinabukasan natin at ng ating paaralan.
Janeen Masongsong
BSA 1-26 d
I guess the increase in the tuition fee in our university will just be a burdened to the students concerned . We all know that our university is for those who are financially incapacitated.They do their best just to be in this university not just because of good quality education but also because of the low tuition fee. The increase in the tuition fee that will improve our university is still quite wrong to be carried by those students. "Iskolar din naman sila ng bayan" so they also have the right to have a low tuition fee na matagal ng ipinapagtanggol ng mga aktibista.Pinopondohan tayo ng gobyerno para makapag-aral at makapagtapos tayo, pero huwag naman natin silang masyadong inaapura dahil hindi lang namn tayo ang pinopondohan nila.
i, myself they say will not be affected by that increase but i think and i feel that sooner or later I'll be affected by that!!! But thanks God ,it isnt approved,yet?
johnson ramiscal bsa 1-25d
para sa akin ok lang sana yung tuition fee increase, in a sense na unti untiin nila di yung biglaan,,,hope maisip rin ng admin yung kalagayan naming mga estudyante,,ok kame sa improvement go kame jan,pero sa biglaang pagtaas ng tuition fee im not sure..
hope maayos na lahat..
kung ang pagbabasehan ay ang naging pahayag at ang mga pinakita ni prof. winnie monsod maaaring sumang-ayon ako ngunit kung iisipin natin ang pup na lamang ang tanging kumukupkop sa mga anak ng maralita hindi naman gaano kalaki yung mga sweldo at sila rin mismo ay nanghihingi ng dagdag sa kanilang mga sweldo at isa pa ang pup ay isang state university na marapat lamang na sinusubsidized ng gobyerno, palaging sinasabi ng mga aktibista sa tuwing magpupunta sila sa mga klase at nakasaad na rin mismo sa batas na dapat nilalaan sa edukasyon yung pinakamataas na badyet kung sana nasusunod yung batas na yun di bat sana di na kailangan pang magtaas ng matrikula. pagdating naman sa ating pamantasan di bat sana inuuna muna yung mga pasilidad at batayang pangangailangan ng mga mag-aaral bago yung pagpapaganda ng mga bagay na di naman nakakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa ating pamantasan. kaya masasabi kong hindi makatuwiran ang pagtataas ng matrikula ang makatuwiran ay ang pagkakaroon ng mataas na budget sa edukasyon.
marile claro
bsa I-16d
well sakin,
hindi sa hindi ako sang ayon sa increase its just na hindi nmn lht cguro kayang makapagenroll ng 200 per unit. pup na nga lang university for those people in POverty.
and ung pagtaas nmn kc parang nakakashock na from 12-200!
in the 1st place we enrolled in PUP because Pup is the only university na may 12per unit!
i know nmn na mula sa pagtaas na ito ay mas maganda at mas maayos na PUP na haharap sa atin!
kc for sure the money will be for the benefit of the university kc tumatanda na din mga facilities and ung buildings! at nagiging discomfort for the students un na nakakaapekto sa pagkatuto!
at xmpre tayo ding mga estudyante makikinabang. pero kung dahil na din sa pagtaas na ito ay marami ang hindi makakapagaral dahil hindi kaya ng budget. eh mas magandang wag na magtaas or magtaas pero wag nmn over na 200 agad.
MAY estudyante ngang nagtanong sa room nmen na "ang cellphone ba ay need or want?"
tapos he ansered "a cellphone is a need but the unit of the cellphone is what makes it a want"
PATRICK A. SALAMANCA
BSA1-26D
para sa akin, ang tuition fee increase any makatarungan at nararapat naman sa tagal ng panahon na hindi nagpapalit ng per unit ang PUP. masasabing ang pagtataas ng tuition sa pup ay sanhi ng mga pasilidad na gustong ipaayos. gusto nila na gumanda ang pamantasan ng sa gayon ay mas maging kaaya aya para sa atin mga kamag-aral ang pag-aaral. gusto nila na mabigayan tayo ng de kalidad na edukasyon. tungo sa pagkahubog natin bilang isang marangal na tao. magiging marangal ba ang paghagis ng upuan mula sa itaas. kahit na sabihin pa nila na mga sirang pasilidad na iyon. pero ang punto dito ay ang kagandahang asal na dapat magkaroon tayo. doon naman sa administration ng PUP. mahalagang magkaroon ng mataas na pondo para sa pag-aayos ng pondo. pero hindi din ako sang ayon sa 1700% increase. na napakalaki ng nilaki mula sa 12 pesos per unit ay nging 200pesos. pabor aq sa pagtaas ng matrikula pero hindi aman karapat dapat na ganung kalaki ang itaas ng tuition. sana ay ginawa nlng muna nila na 50pesos or 75 pesos. marami rin naman ang estudyante ng PUP at khit hnd kagaya ng 200 pesos ay makakalikom parin ng pondo pra sa pagpapaayos ng pasilidad.
Kevin M. De Jesus
BSA 1-25d
its been a while since my tita discussed this to me, sinabe niya na sa hirap daw ng buhay ngayon, wala nga daw talgang mura, so it is a must also na even a public university like pup will demand a higher tuition fee, which is true naman, it is a but correct na magtaas ng matrikula, pero sana unti untiin, sana lang, kase tayong mga estudyante ang mahihirapan,,,
]
johnson ramiscal\
bsa 1-25 d
Tuition
fee increase in PUP affects the rights of the students to study. But if
the University would have better quality education by doing this, there
will be no problem for me about that. because, we all know that it
would be for the sake of the students..It may be okay if this twelve
pesos per unit would have become thirteen pesos per unit because still
it is affordable.But two hundred pesos per unit is very questionable. I
think that is too oppressive to us. We all know that Polytechnic
University of the Philippines is a state University and many students
decided to enroll and study in this University because of its low
tuition fee and high quality education. There are many students loose
their interests to continue their studies because they do not have
enough money to support themselves. Maybe they have parents/guardians
to give them support when it comes to financial matters. And so, they
could study well because of low tuition fee that is affordable. BUT, if
this affordable tuition fee would become twelve pesos per unit plus a
possible increase of miscellaneous fees, I don't think if the number of
the students studying in this University would increase also. I guess
the long-term goal aimed by many students would become "bubbles" that
anytime may disappear.
As a student, sumasang-ayon naman ako sa pagtaas ng matrikula dahil
alam kong gagamitin ang lahat ng ito sa TAMA - para na rin maisaayos na
ang FACILITIES ng University...
Ang malaking katanungan lamang na bumabagabag sa isipan ng mga
mag-aaral ay ang biglaang pagtaas nito ng may kalakihan- twelve pesos,
naging two hundred pesos per unit.
Wala na naman akong magagawa kung maisakatuparan ang TUITION FEE
INCREASE...Dahil alam kong matalino ang administrasyon ng PUP..
Thank you and GOD BLESS...
ARNEL C. PRADO
BSA 1-25D
Post a Comment