Friday, September 25, 2009

Discussion: Adding the ninth ray to the Philippine flag

Click the Link

What are your thoughts/ feelings about Richard Gordon's proposition of adding the ninth ray to our flag? Are you for or against the proposal? Why? There are no "right" or "wrong" answers.

Feel free to post either in English or Filipino, however, let's keep the discussion clean.

Thanks!

Prof. Hull

27 comments:

noynoy said...
This comment has been removed by the author.
noynoy said...

sang-ayon ako s pagdragdg ng ninth ray sa watawat ngunit hndi ako sang-ayon sa khulugan ng ninth ray. ang walong rays ng watawat ay sumisimblo sa walong probinsyang unang nag-aklas lban sa mga Kastila (Maynila, Cavite, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Laguna, at Batangas). kung ang ninth ray ay sisimbulo s ktpngan at integridad n pnkta ng mga Pilipinong Muslim n lumban noon sa mga Kastila, tingin ko ay hndi ito bbgay. suggestion ko lng n sna, isang probinsya nlng din ang simbolo nitong ninth ray. yung probinsya n mgrerepresenta s katapngan ng mga Pilipinong Muslim.


- Norberto Yamugan, BSA 1-5D

aiahmeh said...

HIndi ako sang-ayon sa pagkakaroon ng sa pagdadagdag ng ika-syam na simbulo ng araw sa watawat ng Pilipinas. Inirerespeto ko ang mga kapatid nating Muslim ngunit kung aking iisipin parang wala namang silang masyadong naging parte sa pag-aaklas na naganap sa mga pulo ng Pilipinas noong panahon ng Kastila.Hindi nga rin ata sila napuntahan man lamang ng mga Kastila. Sa palagay ko hindi ito nararapat. Sapat ng sumusimbolo ang isang bituin para sa kanilang kapuluan na wala man lamang atang naging parte sa pag-aaklas hindi tulad na mga unang walong sinag.
Ngunit maganda rin naman ang proosition na ito sapagkat kahit papaano kung ito ay mapapatupad, maiibsan ang pagnanais ng mga Muslim na humiwalay at magtatag ng sariling republika.

-jeremaiah delos santos
Bsa 1-5

noynoy said...

Nais ko lamang magbigay ng reaksiyon sa post ni jeremaiah delos santos.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang unang bayani ng ating bansa na si Lapu Lapu ay isang Muslim. Ang mga raha ng Maynila, tulad nina raha Soliman at Raha Matanda ng Maynila na pawang mga Muslim, ay lumaban din sa mga Kastila.

Ang malaking bahagi ng Mindanao ay hindi napasok ng mga Kastila pagkat ang mga kapatid nating Muslim doon ay may pagkakaisa kung kaya't pag may mananakop na dumating sa kanilang lugar ay nagagapi ang mga ito at di nagagawang sakupin ang kanilang lupain. Ang labis nilang paniniwala sa kanilang relihiyon (Islam) ay isa ring dahilan kung bakit hindi sila masakop-sakop ng mga Kastila.

noynoy said...

may nakuha akong tala ng pag-aalsang Moro noong panahon ng kolonyalismong Estados Unidos:

•1903 Sa Lanao sa ilalim ni Ampuan Aguas, hanggang 1906;
•1903 Sa Cotabato sa ilalim ni Datu Ali hanggang 1905;
•1903 Sa Sulu sa ilalim ni Panglima Hassan hanggang 1905;
•1904 Sa Sulu sa ilalim ni Datu Usap at Datu Pala hanggang 1905;
•1906 Sa Maciu, Lanao;Sa Sulu na humantong sa Masaker sa Bud Dajo; Sa Sulu sa ilalim ni Jikiri at lumaganap sa Basilan
•1911 Sa Balabak, timog Palawan.
•1911 Panibagong pag-aalsa sa Bud Dajo sa ilalim ni Janjalani
•1911 Magkaahiwalay na mga pag-aalsa sa ilalim ni Datu Alamada at Datu Ampatuan hanngang 1913
•1913 Isla ng Talipao sa Sulu sa ilalim ni Datu Sabtai
•1913 Mga sagupaan sa Taglibi at Bud Bagsak sa Sulu
•1916 Malawakang pag-aalsa sa Bayang Lanao sa ilalim nina Datu Lumamba at Imam Tawakir
•1917 Sa Cotabato sa iallim ni Datu Ambang
•1919 Sa Jolo, Sulu sa ilalim nina Aukasa at oangliam Asjali
•1920 Isla ng Pata sa Sulu sa ilalim ni Maharajah Untong at Hatib Sihaban
•1923 Cotabato sa ilalim ni Datu Santiago
Sa Tugaya at Ganassi sa Lanao
•1924 Sa Lanao sa ilalim ni Datu Pandak
•1926 Paglahok ng Maguindanao sa pag-aalsang Langkat sa Cotabato hanggang 1917
•1934 Sa Lanao sa ilalim ni Dimakaling


Marahil ang mga ito'y hindi lang naging popular ngunit makikita natin na mayroon ding kontribusyon ang mga kaptid nating Moro sa pagkamit ng kalayaan di lamang sa mga Kastila, pati na rin sa mga Amerikano.

kryade01 said...

para po saken eh okey lang po na magdadag since may naitulong din naman ang mga muslim na pilipino noon kahit kaunti lang.. the point naman kasi ng pagsali dun eh kasi may naitulong sila..

i tink na maganda din ang maidudulot sa MUSLIM community pagnaipatupad un, kasi xempre kumbaga marerecognize sila bilang mga Pilipino(kumbaga mauplift ang Pilipino spirit nila) kasi di ba sa panahon ngayon parang na-iisolate sila at panget ang tingin sa kanila ng mga kababayan naten,,

pero mukhang matatagalan bago mapatupad toh since ang pagbabago na to eh malaki kasi ang ating Filipino plag na nagrerepresenta sa atin sa buong mundo ang mamomodify..

-Kryz Abigail R. Marco, BSEE IV-1

abbysuoberon said...

hndi ako sang-ayon n mgkaroon ng ninth ray kc unang una dpt ang mamamayan ang magde2cide ng gntong usapin dhil nsa demokratikong bnsa tau hndi iilang tao lng sa senado at nging kasaysayan na walo lng ang sinag ng araw un ang mga probinsya n lumban at nag-aklas hndi nman sa ayaw ntin mag-unite sa mga kaibgang muslim cguro nman my iba png paraan kung paano mapa2kita ang sinseridad na kipag-ayos sa mga Muslim maaring ihinto n ang labanan sa midanao dhil mdaming inosente ang nada2may bgyan ng mga reporma. sa usaping ito kailangan ng boses ng mamamayan dhil mlking isyu ito.

- Rizza Abby V. Suoberon, BSA 1-5D

Shiela Manabat said...

ahm, sang-ayon ako sa proposal na pagdaragdag ng ikasiyam na sinag sa ating Philippine flag. makatwiran naman ang dahilang para iyon sa mga pilipinong muslim na lumaban din para sa ating kalayaan. nagmula pa nga sa kanila ang kauna-unahang bayani ng pilipinas na si lapu-lapu. kung titignan, sa kanila nagsimula ang alab ng pagtatanggol sa ating bansa mula kagustuhan ng mga kastila na sakupin tayo. kaya dapat lang na marecognize ang kanilang katapangan.

pero kailangan pa rin hingin ang boses ng lahat ng pilipino ayon sa usaping ito. malaking bagay kasi ang national flag sa lahat ng mamamayan kaya i know willing ang lahat na magdecide para dito.

-Shiela S. Manabat, BSA I-22D

Jex said...

Kung pagdedesisyunan sana ang bagay na ito, kunin din sana nila ang panig ng mga mamamayan. Sa loob ng napakaraming taon, naging kasabay na ng sagisag ng ating bansa ang araw na may walong sinag kaya kung sakin lang, medyo mahirap baguhin. Haha. Kung baga, iyon na ang nakasanayan. Ngunit kung ang positibong hangarin nila ay ma-reunite ang ating bansa sa mga Muslim nating kababayan, magandang step nga ito.

Maganda din siguro kung maririnig natin ang panig ng mga kababayan nating Muslim tungkol sa bagay na ito.

- Jixcie Garcia, BSA 2-19D

Adriano R. Pereyra said...

Hindi ako sang-ayon na dagdagan pa ang sikat ng araw sa Pambansang Watawat ng Pilipinas.
Ang walong sikat ng araw sa watawat ng ating bansa ay sumisimbolo sa walong PROBINSYA na nagpamalas ng kabayanihan upang makamit natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon.
Malinaw na ang Muslim ay hindi probinsya!
Hindi maikukubli na malaki ang alitan sa pagitan ng Gobyerno at mga Muslim. Ibig sabihin ang pagdaragdag lang ng sikat ng araw sa ating bandila ang nakikitang paraan ni Gordon upang makipagkasundo o makipag-ayos sa mga Muslim. Ito ba ay bukal sa kanilang loob o napilitan lamang?
Para sa akin ito ay pagwawalang respeto sa paghihirap ng ating mga bayani sa paggawa ng ating Pambansang Bandila. Ginawa nila ito bilang pagbibigay dangal sa walong probinsya na nagpamalas ng kagitingan. Ngayon,dahil lang sa alitan, nagawa nilang magdagdag ng sinag ng araw sa bandila.Malinaw ito na pagsalungat sa isip ng mga gumawa ng ating Pambansang Bandila.
Ito lang marahil ang paraang naisip ng pamahalaan.


Adriano Pereyra
BSA I-21D

roceldudang_1212 said...

..para po sa akin.. hindi po ako sang-ayon.. alam ko po na malaki ang naitulong ng mga kapatid nating muslim sa ating kasaysayan at alam naman po natin na malaki ang pasasalamat ng bawat pilipino sa kanila ganun pa man.. nakatatak na po sa ating kasaysayan ang kinagisnan nating watawat.. un na po ung kinilala ko hanggang sa dumating ako sa ganitong edad at ng marami pang kabataan na tulad ko... bakit po hindi na lang natin panatilihin na ganun ang ating watawat na kung tutuusin hindi naman po malaking usapin ang tungkol sa ating pambansang watawat.. maaari po sanang sa ibang mas importante bagay natin ifocus ang ating atensyon.. hayaan na natin ng ganyan ang ating watawat... wag na natin lagyan pa ng pang ninth ray... para na rin sa pagbibigay galang natin sa ating mga bayani na unang nagwagayway nito.. ito na ang sumisimbolo sa ating bansa.. nawa'y huwag na natin baguhin ang nagbibigay identidad sa atin bansa..
..ngunit demokratiko tayong bansa.. nararapat lamang na tayong mga pilipino ang magpasiya kaya nakakabuti na humingi rin ng iba pang ideya sa kanila.. ganun pa man inuulit ko po na hindi po porket di ako sang-ayon sa paglalagay ng ninth ray ay isinasantabi ko na ang kabayanihan ng ating mga kapatid na muslim..

> MA. ROCEL S DUDANG, BSA1-5D

Unknown said...

Hindi ako sang-ayon na dagdagan pa ng isang sinag ang araw sa ating bandila sapagkat ito ay nangangailangan ng masusing pagsusuri lalo na’t parte ito ng ating kasaysayan. Ang bandilang ito ang nakatatak na sa ating lahat, simbolo ng panibagong pag-asa noong unang panahon, ito ang iwinagayway ng ating bayani makamit lamang an gating kalayaang timatamasa. Ganun pa man kung nais ni Sen. Gordon na baguhin ito nararapat lamang na magbigay siya ng kaukulang eksplanasyon sa ganitong pasya.

para sa akin, hindi na kailangan baguhin o dagdagan pa ng isang sinag ang araw sa bandila ng pilipinas, ito ang bandilang ipinamulat sa atin ng mga bayani at sinaunang Pilipino na siyang kumuha ng kalayaan para sa lahat ng henerasyong Pilipino kung kaya’t dapat natin itong igalang, irespeto, panatilihin at alagaan. Ngunit hindi ko naman sinasawalang bahala ang ginawang kabayanihan ng ating mga kapatid na muslim bagkus nagpapasalamat at humahanga ako sa kanila.

JUANCHO TISOY GRAJO III,BSA 1 – 5D

alpha said...

Why change something that has been honored, respected and represented for many generations?
I am not into it!

The rays are significant to the provinces that helped achieved our freedom and also to ourselves.
The rays are not about "religion".

Muslims residing here in the Philippines are Filipinos.
Our flag represents all the Filipinos.
In the simplest way, Filipino Muslims are already represented in our flag.

EZEKIEL A. GONZALES BSREM II-1

Unknown said...

I feel that it is a mere political move. Adding a ninth ray to our flag will help raise the respect to our Muslim brothers. They will now be acknowledged for their efforts in gaining national independence. But, if it were for the good of our country, why just now? Why in the time where there are only a few months before election? Is Gordon doing it to earn the Muslims' trust or to prosper national history? News have been spread that the NHIC has opposed the idea of adding a ninth ray years ago. It was in their opinion, that the act of it will put our history into an imbalance proportion.


-Marian Faith M. Florentino, BSA 1-5D

gemma:) said...

ndi aq sag-ayon kasi ung 8 rays cnicmbolo nia ung mga probinsya db? nd muslim is not a part of it ..
besides, kung bbguhin un kailangan dng bguhin o i-update ung seal.
*Art. XVI section 2 of the Constitution.
As the flag is based on the seal, it will have to be updated thus as well.*

nd for now dba mas marami pang dapat isipin kesa jan? tulad na lang ng napinsala ni bagyong ondoy. diba mas dapat na isipin natin kung panu sila tutulungan kesa jan sa pgdadagdag ng ray sa flag??

-gemma mina m abad bsa 1-5D

Suj said...
This comment has been removed by the author.
Suj said...

Sa akin pong palagay ay mayroong katwiran si Sen. Richard Gordon sa paglalagay ng 9th ray sa ating Philippine flag. Ang Layunin nito ay para mabigyan ng pagkilala ang ating mga kapatid na muslim na nagbuwis din ng kanilang buhay para sa ating bayan. Ang ating watawat ay hindi lamang sumisimbulo sa prinsipyo ng pagkakaisa subalit ito rin ay kumakatawan sa mga tradisyon ng mga pilipino na nabuo sa pamamagtan ng ating pambansang kasaysayan. Ito ay mag dudulot ng pagkakaisa sa ating mga pilipino kahit anu pa man ang kanyang pananampalataya.

JUS REX B. ABEJERO
BSA 1-5D

jaydeloo said...

sang-ayon po ako kasi kung titingnan naten ang magandang maidudulot nito sa ating Pilipino-Muslim community ito ay makakatulong. Kagaya nga ng sabi ni senator Gordon eh magandang step to para marecognize ang mga Muslim na Pilipino. Maxiado na kasi natiwalag ang kalooban ng mga Pilipinong Muslim sa ating bayan.

-Jade Andrew Ranoco, BSEE IV-1

Ariel Bernard said...
This comment has been removed by the author.
Brian said...

The Philippine flag is a symbol of our nation. It is also the symbol of the blood, sweat and tears of our ancestors who fought against imperialist to gain the independence we are experiencing right now. Let their cause be not just be put to waste by agreeing to some politician's ambitions. Doing alterations to our flag for the sake of a few people is a grave act and must not be allowed.
A true patriot doesn't think of himself or the awards or recognition that he'll get. Instead, he/she does the right thing with all his heart for his/her country.

Adding a ray to our flag is disgraces our forefathers.
Adding a ray to our flag can't solve our present problems.
Adding a ray to our flag is a NO.

Brian Cañeba
BSEE 4-1

Ariel Bernard said...

hndi ako sang-ayon sa pagllgay ng ninth ray sa ating watawat. maganda ang intensyon ni sen. Gordon na bigyan ng recognition at parangal ang mga kapatid nating mga muslim ngunit ang 8 rays ng sun sa phil. flag ay kumakatawan sa 8 probinsyang lumaban sa mga kastila at hindi ito simpleng parangal lamang o pagkilala sa 8 probinsyang ito. kapag dinagdagan ng ninth ray na sumisimbolo sa mga muslim parang nwla n rin ang kahulugan ng sinisimbolo ng walong ray.

Ariel Orio
BSA 1-5D

Hannah Antonio said...

Para po sa akin,hindi na kailangan pang dagdagan pa ng isang ray ang araw sa ating watawat,sapagkat karagdagan lamang ito sa mga prosesong nakabinbin sa ating gobyerno,maanong tutukan na lang ang mga programa para sa ikauunlad,ikabubuti ng ating bayan.
Sa mga programang iyan,ang tagal na maiproseso tapos daragdagan pa,bakit kapag nadagdagan ba ang sinag ng araw sa ating watawat uunlad ba tayo?,hindi di ba...At sa mga Muslim,oo magaling nga sila,dapat na irecognize dahil sa di sila nasakop or natalo ng mga Kastila,pero sa panahong iyon wala pa namang unity,paguugnayan ang mga pulo ng Pilipinas,kung baga ay wala pa namang bansang Pilipinas noon,di ba matagal ng di maayos-maayos ang gulo ng mga rebelde sa Mindanao.Kaya paano pa yan daragdagan,kung sila na mismo ang gusto ng humiwalay.Ayun lamang po ang aking opinyon...

Hannah Vieyll Jing P. Antonio
BSA I-21

Christian said...

Congress panel OKs 9th ray in RP flag

Dahilan

“We are a country that has had a conflict with our Muslim brothers for the last so many decades. I think this is a big step toward reuniting our country, recognizing the contributions of our fellow countrymen, the Filipino Muslims. We should recognize their deeds in our country,” Mr. Gordon said in a statement.(pinagmulan)


PAGDAGDAG!!!(pagbabago)

Ang pagbabago na ito sa ating pambansang simbolo ng Pilipinas
ay di tuwirang makakaapekto sa pamumuhay ng bawat Pilipino dahil marami namang walang pakialam sa ganitong isyu, Ngunit sa ibang aspeto itoy isang malaking pagbabago...

Papano? >>>hindi lamang sa ating watawat kundi sa mga nailimbag na na mga teksto hingil sa mga kahulugan ng mga simbolo na makikita dito na ginagamit ng mga estudyanye lalo na sa elementarya.

Oo.. hindi problema ang pag dagdag ng mga letra sa mga tekstong ito na magbibigay ng kahulugan sa pang syam na sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas, Ngunit sa pagdagdag nito mangngahulugang mag kakaroon ng mga pagong aklat na bibilhin ng gobyerno upang magamit ng mga estudyante na nangangahulugang ng kaukulang alokasyong salapi sa sa pagbili sa mga bagong limbag ng teksto/aklat na mas kailangan sa paggawa ng silid aralan at karagdagan mag paaraln sa mga liblib ng lugay o bayan.

Sa partisiparsyon ng mga kaptid/kababayan nating muslim sa ating kalayan ginagalang ko ito ngunit dahil sa mga nabanggit kong epekto di ako sumasang ayon sapagdadag ng ika syam na sinag sa araw ng watawat ng Pilipinas

isa lamang ito sa aking dahilan kung bakit hindi ako sang ayon



Ang pinaka-maaring dahilan kung bakit hindi ito dapat dagdagan ng isapang sinag ay hindi lalawigan ang kontribusyon ng mga kapatid nating muslim.

Tignan ang LINK:

Kahulugan ng walong sinag ng araw ng watawat ng Pilipinas


thanks for reading

God Bless",

>>>Christian Aaron L. Azcueta BSEE IV-1

hannahruth said...

Hindi ako sang-ayon sa pagdadagdag ng ninth ray sa ating watawat. Alam ng ating mga ninuno kung ano-anong bayan ang nakiisa upang magtanggol sa ating bansa laban sa mga dayuhan at hindi kasama dito ang mga Muslim. Kung noon pa man ay kinakitaan na nila ang mga Muslim ng pakikiisa,malamang sinama nila ito noon pa. Pero maganda ang layunin ni Sen. Richard Gordon,yun nga lang, parang hindi akma ang pagdadagdag ng ninth ray.

-Hannah Ruth A. Acobera, BSA 1-5D

iamjessica said...

elow!
tungkol sa topic ng pagdaragdag ng isa pang sinag sa watawat natin, sang-ayon po ako. noong nalaman ko yung issue tungkol doon,nawindang po ako. kasi noon ko lang narealize na sobrang diskriminasyon pala sa mga kababayan nating muslim ang ipinapakita ng lahat, at ang masaklap pa ay unaware ako at yung ibang mga tao na ginagawa na pala namin yung bagay na iyon. sa pagsaludo pa lang sa ating watawat ay kitang kita na ang 'di pagkakaisa ng mga pilipino. sa paglalagay ng sinag na yun maipapakita natin na hindi nayin sila inihihiwalay sa atin. at saka sa tingin ko sa pamamagitan noon ay mapag-iisa na ang lahat ng mamamayan ng Pilipinas. kasi, "belong na sila", 'di na nila nanaisin na ihiwalay pa ang mindanao sa pilipinas. magiging ganap na ang kanilang pagiging Pilipino. haha.masaya yun! sana ng ay may isang probinsyang magrerepresenta ng pulo ng mindanao sa watawat natin, bilang pagkilala sa mga muslim bilang pilipino at sa mga nagawa nila para sa pagtatanggol ng ating kalayaan. Mabuhay! GOD'S SPEED! ^^

iamjessica said...

elow!
tungkol sa topic ng pagdaragdag ng isa pang sinag sa watawat natin, sang-ayon po ako. noong nalaman ko yung issue tungkol doon,nawindang po ako. kasi noon ko lang narealize na sobrang diskriminasyon pala sa mga kababayan nating muslim ang ipinapakita ng lahat, at ang masaklap pa ay unaware ako at yung ibang mga tao na ginagawa na pala namin yung bagay na iyon. sa pagsaludo pa lang sa ating watawat ay kitang kita na ang 'di pagkakaisa ng mga pilipino. sa paglalagay ng sinag na yun maipapakita natin na hindi nayin sila inihihiwalay sa atin. at saka sa tingin ko sa pamamagitan noon ay mapag-iisa na ang lahat ng mamamayan ng Pilipinas. kasi, "belong na sila", 'di na nila nanaisin na ihiwalay pa ang mindanao sa pilipinas. magiging ganap na ang kanilang pagiging Pilipino. haha.masaya yun! sana ng ay may isang probinsyang magrerepresenta ng pulo ng mindanao sa watawat natin, bilang pagkilala sa mga muslim bilang pilipino at sa mga nagawa nila para sa pagtatanggol ng ating kalayaan. Mabuhay! GOD'S SPEED! ^^


-ma. jessia c. laroza of BSA 1-5D

}/>Czermaine<-{ said...

Karagdagang sinag ng araw sa ating nananahimik na watawat? Bakit?

Siguro kung ang watawat nati ay makakapagsalita lamang malamang sasagutin niya ito, "Bakit ako? Nananahimik ako." Matagal ng ganito ang ating watawat, hindi pa man siya buhay... Sadyang ganito na ito. Hindi ako pabor sa isinusulong na labang ito.

Sisimbolo ito sa ginawang pakikiisa ng mga Muslim, magandang ideya nga naman... Pero hindi po ito ang dapat na maging tugon sa pagkilala rito. Sapat na marahil ang ating pag-alala at ang ating taos pusong pagkilala sa kanila, sa katapangang ibinahagi ng kanilang mga ninuno. Hindi po ako against sa mga Muslim, ito lamang po talaga ang aking saloobin.

****
Tanong ko lang po, tatakbo po ba siya sa darating na halalan?

****
Ang watawat ay isang simbolo sa lahing Pilipino na matagal ng napalaganap sa buong mundo, isang simbolo na sa ati'y nagpapakilala, ang baguhin ito ay isang usaping kailangan ng isang masusing pag-aaral.

Tama ma po ako o mali, ito po ang aking saloobin tungkol sa issue na ito.


- Czermaine Gorromeo, BSA I-22D